Ronald C. Castillo Law Office

Ronald C. Castillo Law Office ✔️Integrity ✔️Dedication ✔️Competence

A decision in favor of the employees, affirming and upholding the rights and welfare of the labor force. ⚖️
17/02/2026

A decision in favor of the employees, affirming and upholding the rights and welfare of the labor force. ⚖️

Castillo Law Office’s Thanksgiving and Year-end Dinner 💕🙏🏻
31/12/2025

Castillo Law Office’s Thanksgiving and Year-end Dinner 💕🙏🏻

Counsel for the Complainants 🙏🏻⚖️
20/05/2025

Counsel for the Complainants 🙏🏻⚖️

FYI 🧐
08/04/2025

FYI 🧐

Nilinaw ng na ang paghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ― at hindi ang pagsampa ng kaso sa korte ― ang siyang naghihinto ng pagtakbo ng oras o ang prescriptive period na nakatakda para sa prosekusyon ng mga krimen, kasama rito ang mga napapaloob sa 2022 Rules on Expedited Procedures in the First Level Courts (Rules of Expedited Procedures).

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, inabandona ng Korte Suprema En Banc ang naunang mga desisyon noong 2023 sa kaso na Republic v. Desierto at Corpus, Jr. v. People, kung saan idineklara ng Korte Suprema na ang prescriptive period para sa mga krimen na saklaw ng 1991 Revised Rules on Summary Procedure (Rules on Summary Procedure) ay tumitigil lang pag ang kaso ay naisampa na sa korte.

Iginiit ng Korte na ang prescriptive period para sa mga krimen ay tumitigil sa pagtakbo sa pagsasampa ng reklamo sa prosekusyon at pagsisimula ng summary investigation.

Sinabi din ng Korte na habang ang mga kasong kriminal ay dapat na mainam na malutas kaagad, minsan ay hindi maiiwasan ang mga pagkaantala. Samakatuwid, ang Estado, bilang ang agrabyadong partido, ay hindi dapat mapahamak ng mga pagkaantala sa mga paunang pagsisiyasat ng DOJ, kahit na sa mga kasong kriminal sa ilalim ng summary procedure.

Ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagkaantala ng prescriptive period para sa pag-uusig ng mga krimen ay ipapatupad lang sa mga darating na kaso.

Bukod pa rito, nilinaw din ng Korte Suprema na sa ilalim ng Section 281 ng 1997 National Internal Revenue Code, ang prescriptive period para sa mga krimen ukol sa tax ay nagsisimula lang mula sa oras na ito ay nadiskubre, kung ito ay hindi agad napag-alaman. Nahihinto ang pag-usad ng prescriptive period sa oras na ang preliminary investigation ay umusad na. Ang interpretasyong ito ay intensyon ng batas – para magtakda ng klarong oras para sa prosekusyon ng paglabag ng batas ukol sa tax – ay nagamit nang wasto.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-filing-of-complaint-before-doj-stops-prescriptive-period-for-crimes/

Ang buong teksto ng Desisyon sa G.R. No. 258563 (People v. Consebido, Abril 2, 2025) ay ia-upload sa website kapag available na.

From Filing to Payment – We’ve Got Your Taxes Covered.Estate Tax Amnesty Extended until June 14, 2025."Mayroon ka bang m...
24/02/2025

From Filing to Payment – We’ve Got Your Taxes Covered.

Estate Tax Amnesty Extended until June 14, 2025.

"Mayroon ka bang minanang ari-arian na hindi mailipat sa pangalan mo o maibenta dahil sa hindi mabayarang buwis?
Ngayon na ang tamang panahon para maayos ito sa pamamagitan ng Estate Tax Amnesty (per Republic Act No. 11213 or Tax Amnesty Act, as amended by RA Nos. 11569 and 11956)". (BIR)

Mga Benepisyo:

6% TAX LANG ANG BABAYARAN
WALANG BABAYARANG PENALTIES

- Contact us today and let us handle your tax payments with ease! With our expertise, you can rest assured that everything will be taken care of accurately and on time. Hire us now and focus on what truly matters—while we manage the tax details for you!

Contact No. 0985-259-5791
Law Office Address: San Isidro Cabuyao City, Laguna (in front of Dali Store)

07/02/2025

Hindi kailangan ang psychological evaluation para patunayan ang psychological violence sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o ang 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘪𝘰𝘭𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘊𝘩𝘪𝘭𝘥𝘳𝘦𝘯 (𝘝𝘈𝘞𝘊) 𝘈𝘤𝘵.

Ito ang iginiit ng sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting kung saan pinagtibay ng Third Division ng Korte ang hatol sa akusado para sa psychological violence laban sa kanyang asawa at mga anak.

Pinatawan ng Korte ang akusado ng hanggang walong taong pagkakakulong at pinagbabayad ng PHP 275,000 na multa at danyos. Inatasan din siya na sumailalim sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment.

Ikinasal ang akusado at ang kanyang asawa noong 1998 at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagkaroon din siya ng anak sa ibang babae na itinira niya sa bahay mismo ng kanyang ina, na katabi lang ng kanilang bahay. Hindi rin sya nagbigay ng pinansyal na tulong.

Sinabi ng Korte Suprema na kumpleto ang lahat ng elemento ng krimen ng psychological violence sa ilalim ng Section 5(i) ng 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘈𝘞𝘊 𝘈𝘤𝘵: (1) ang biktima ay isang babae at/o kanyang anak; (2) ang biktima ay asawa ng o may relasyon sa nagkasala; (3) ang nagkasala ay nagdudulot sa biktima ng mental o emosyonal na paghihirap; at (4) ang paghihirap ay dulot ng pampublikong pangungutya o kahihiyan, pasalita at emosyonal na pang-aabuso, pagtanggi ng suportang pinansyal, o mga katulad na gawain.

Binigyang-diin ng Korte na hindi kailangan ng psychological evaluation mula sa isang ekspertong testigo para patunayan na nagdusa ang biktima. Hindi ito kinakailangan sa ilalim ng batas. Nagpasya ang Korte na ang testimonya ng isang biktima sa husgado ay sapat na para patunayan ang emosyonal na paghihirap o pagdurusa sa isip.

Sa kasong ito, detalyadong pinatotohanan ng asawa ang kanyang karanasan na nagpapatunay sa kanyang mental at emosyonal na paghihirap.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-psychological-evaluation-not-required-to-prove-psychological-violence-under-anti-vawc-act/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/270257-###270257-vs-people-of-the-philippines-and-aaa


07/02/2025

The has affirmed that recruiting children for sexual exploitation is trafficking, even without the use of threats, force, or coercion.

In a Decision written by Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, the Court’s Second Division upheld the conviction of Jhona Galeseo Villaria and Lourdes Aralar Maghirang (accused) for 8 counts of qualified trafficking in persons. They were sentenced to life imprisonment, fined PHP 16 million, and ordered to pay each of the victims PHP 600,000 in damages.

The accused were arrested in 2016 by the Philippine National Police during an entrapment operation in a hotel, where they accepted marked money from the undercover police officers as payment for several female minors.

Trafficking occurs when individuals are recruited, transported, or transferred for exploitative purposes, including prostitution, forced labor, slavery, or the removal or sale of organs through threats or use of force, coercion, deception, abuse of power, or by offering money.

The Court clarified that under Section 3(a) of the Anti-Trafficking in Persons Act, as amended, recruiting a child for sexual exploitation is enough to establish trafficking, regardless of whether threats, force, coercion, or deception were used.

In this case, the accused recruited minors and offered them for sexual activities in exchange for money. They took advantage of the victims’ youth and financial struggles to gain their consent.

Read the press release in full at: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-threat-force-or-coercion-not-required-in-child-trafficking-cases/

Read the full text of the Decision at: https://sc.judiciary.gov.ph/259133-people-of-the-philippines-vs-jhona-galeseo-villaria-et-al/

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

07/02/2025

Ang pagiging isang overseas Filipino worker (OFW) ay hindi hadlang para igawad ng korte ang parental authority at sole custody sa mga anak sa isang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ng Second Division ng sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez.

Bukod sa pagbigay ng sole custody sa ina, binigyan din ng Korte ng provisional custody ang lola ng mga bata na kasama nila sa bahay sa Pilipinas.

Sa isang petisyon, hiniling ng ama ng dalawang bata na maibalik sa kanya ang kustodiya ng mga bata dahil wala sa bansa ang kanilang ina. Hiwalay na ang mag-asawa.

Mula regional trial court, umabot sa Korte Suprema ang petisyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals na nagpasiya na ang ina ay hindi isang “absent” na magulang dahil lamang siya ay isang OFW. Sa paggawad ng custody, isinaalang-alang ng Korte ang best interest ng mga bata.

Sa kasong ito, bagamat nasa ibang bansa, nagawa pa rin ng ina na pangasiwaan at alagaan ang kanyang mga anak. Sinusubaybayan at nakipag-ugnayan siya sa mga bata sa pamamagitan ng CCTV sa bahay at nagpapadala rin siya ng pera buwan-buwan bilang suporta.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi karapat-dapat ang ama dahil sa kanyang pag-iinom, paninigarilyo, at marahas na pag-uugali. Natuklasan din ng Korte Suprema na ang mga bata ay nasanay nang mamuhay kasama ang kanilang lola.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-ofws-do-not-lose-parental-and-custody-rights-over-their-children/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/266116/


“Because with the truth and with the facts…justice is served.” 🙏🏻⚖️
05/02/2025

“Because with the truth and with the facts…justice is served.” 🙏🏻⚖️

🙏🏻⚖️
10/12/2024

🙏🏻⚖️

03/10/2024

Address

San Isidro
Cabuyao
4025

Telephone

+639852595791

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ronald C. Castillo Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Ronald C. Castillo Law Office:

Share

Category