The Municipal Trial Court of Cabugao, Ilocos Sur

Directions

The Municipal Trial Court of Cabugao, Ilocos Sur Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Municipal Trial Court of Cabugao, Ilocos Sur, Legal, Gomburza Street , Brgy. Rizal, Cabugao.

This digital portal is an extension of our commitment to deliver accessible justice and efficient public service.

Office: Gomburza Street, Barangay Rizal, Cabugao, Ilocos Sur, Philippines 2732

Landline: [077]6442679

Hotline Number: 09271940644

09/10/2026
09/10/2026
09/10/2026

Pinagtibay ng ang pagkansela sa life insurance policy ng isang lalaki dahil sa hindi niya pagsisiwalat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang kondisyong medikal. Muli nitong binigyang-diin na hindi kinakailangang patunayan na sinadya niyang linlangin ang insurer.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, isinantabi ng En Banc ng Korte Suprema ang petisyon ng Heirs of Indalicio Monera (mga tagapagmana) at ang kanilang reklamo laban sa Manila Bankers Life Insurance Corporation (MB Life) at Meycauayan Rural Bank, Inc. (Meycauyan Bank).

Kumuha ng pautang (loan) si Indalicio Monera (Monera) sa Meycauayan Bank. Ginarantiyahan ang ilan sa pautang ng isang mortgage sa isang lupain at isang group credit life insurance policy na inisyu ng MB Life. Sa ilalim ng policy, ibibigay sa bangko ang insurance proceeds kung pumanaw si Monera.

Nang mag-apply si Monera para sa isa pang credit life insurance policy, pumirma siya sa isang health declaration kung saan idineklara niyang hindi siya nagkasakit nang pitong magkakasunod na araw o higit pa at hindi siya nagpakonsulta sa doktor para sa anumang karamdaman sa nakalipas na limang taon.

Wala pang isang buwan matapos makuha ang ikalawang policy, namatay si Monera. Nang dumating ang pagbabayad ng kanyang mga pautang, naghain ng claim ang Meycauyan Bank sa MB Life. Tinanggihan ito ng insurer matapos nitong malaman na bago mag-apply para sa policy, sumailalim si Monera sa isang procedure para alisin ang isang bukol at na-diagnose siyang may kanser na kumalat sa bahagi malapit sa kanyang kanang balagat (collarbone).

Sa pagsantabi ng Korte Suprema sa petisyon ng mga tagapagmana, sinabi nito na pinahihintulutan ng Insurance Code ang isang insurer na kanselahin ang insurance policy kapag hindi isiniwalat ng aplikante ang mahalagang impormasyon, sinadya man o hindi. Itinuturing na mahalaga ang isang impormasyon kung maaari itong makaapekto sa desisyon ng insurer na mag-isyu ng policy.

Sa kasong ito, hindi isiniwalat ni Monera na sumailalim siya sa operasyon, nagpakonsulta sa mga doktor, at na-diagnose na may kanser, kahit iba ang kanyang idineklara sa health declaration form.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na mahalaga ang hindi pagsisiwalat ni Monera ng kanyang tunay na kalagayan sa kalusugan dahil makaaapekto ito sa pagsusuri ng MB Life sa kanyang insurance application, kabilang kung aaprubahan ba nito ang aplikasyon at kung sa anong mga kondisyon.

Nilinaw din nito na hindi kailangang patunayan ng mga insurer na nilayon ng insured na linlangin sila.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174351.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168794

Basahin ang Dissenting Opinion ni Senior Associate Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172227

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172230

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172233

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


09/10/2026

Inaprubahan ng ๐˜Œ๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค ng , sa sesyon nito noong Oktubre 7, 2026, ang mga pagbabago sa ๐˜™๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต (A.M. No. 25-03-14-SC) tungkol sa petisyon para kilalanin ang diborsyong nadeklara sa ibang bansa, kung saan hindi na kakailanganing patunayan ng asawang Pilipino ang banyagang batas at tanging ang mismong diborsyo na lang ang kailangan patunayan.

Sa ilalim ng mga pagbabago, na magkakabisa 15 araw matapos itong mailathala sa ๐™ฌ๐™š๐™—๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™š ng Korte Suprema, hindi na kailangang patunayan ng mga Pilipinong asawa na naghahain ng petisyon para kilalanin ang isang diborsyong isinagawa sa ibang bansa, alinsunod sa Artikulo 26(2) ng ๐™๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ ๐˜พ๐™ค๐™™๐™š, kung ano ang naaangkop na batas ng nasabing bansa. Ang kailangan na lamang nilang patunayan ay na talagang naganap ang diborsyo sa ibang bansa.

Ipinakikilala ng mga pagbabago ang Seksyon 48-A ng Rule 39, na nagtatakda ng pagpapalagay na ang diborsyong isinagawa sa ibang bansa sa pagitan ng isang Pilipino at dayuhang asawa ay nagbibigay-daan sa dayuhang asawa na muling magpakasal alinsunod sa batas ng kanyang bansa, maliban kung malinaw na nakasaad mismo sa ๐™™๐™š๐™˜๐™ง๐™š๐™š ng diborsyo na ito ay isang limitadong uri lamang ng diborsyo.

Sa ilalim ng bagong tuntunin, ang panig na tumututol sa petisyon ang siyang kailangang magpatunay na hindi ganap ang diborsyo.

Ipinapalagay rin sa bagong tuntunin na tama at tumpak ang salin sa Ingles ng isang dokumento ng diborsiyo mula sa ibang bansa, bastaโ€™t pinanunumpaan ng tagapagsalin na ito ay wasto at tumpak.

Maaaring pabulaanan ang mga pagpapalagay na ito sa pamamagitan ng salungat na ebidensiya, alinsunod sa Seksyon 3 ng Rule 131.

Gayunman, hindi pinapalitan ng mga pagbabagong ito ang umiiral na legal na balangkas. Kinakailangan pa rin ang paghahain ng petisyon para sa ๐™Ÿ๐™ช๐™™๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™ง๐™š๐™˜๐™ค๐™œ๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ng isang diborsiyong ipinagkaloob sa ibang bansa, at nananatiling pareho ang mga kahingiang itinatadhana sa Artikulo 26(2) ng ๐™๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ ๐˜พ๐™ค๐™™๐™š.

Maaari pa ring tutulan ang pagkilala sa diborsiyong ipinagkaloob sa ibang bansa batay sa mga kadahilanan gaya ng kawalan ng hurisdiksiyon, kakulangan ng pabatid, panlilinlang, o malinaw na pagkakamali sa batas o sa mga pangyayari.

Inaprubahan ang mga pagbabagong ito batay sa rekomendasyon ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, at matapos makipag-ugnayan kina Kasangguning Mahistrado Amy C. Lazaro-Javier at Jhosep Y. Lopez, gayundin sa Sub-Technical Working Group on the Concerns of Overseas Working Filipinos Regarding the Recognition of Foreign Divorce Decrees/Reports (Sub-TWG).

Sa pamamagitan ng mga pagbabagong ito, layunin ng Korte Suprema na alisin ang mga hindi nararapat na balakid at gawing mas madali para sa mga Pilipino ang pagtamasa ng kanilang mga karapatang itinatadhana ng batas.

Basahin ang kabuuang ๐™‹๐™ง๐™š๐™จ๐™จ ๐˜ฝ๐™ง๐™ž๐™š๐™›๐™š๐™ง sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174621.

Ang buong teksto ng ๐™€๐™ฃ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™˜ ๐™๐™š๐™จ๐™ค๐™ก๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ng Korte Suprema, A.M. No. 25-03-14-SC, ay ipapaskil sa ๐™ฌ๐™š๐™—๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™š ng Korte Suprema sa sandaling ito ay maging available.

Sumunod sa ๐˜พ๐™ง๐™š๐™™๐™ž๐™ฉ ๐˜ผ๐™ฉ๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™ฎ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Advisory
05/10/2026

Advisory

Advisory:
04/10/2026

Advisory:

02/10/2026

Pinawalang-bisa ng ang kasal ng isang mag-asawa matapos nitong matukoy na nagsinungaling sila nang ideklara nilang limang taon na silang nagsasama para hindi na kumuha ng marriage license.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyong humihiling na kilalaning may bisa ang kasal ng mag-asawa sa kabila ng kawalan ng marriage license.

Nagsama bilang mag-asawa ang dalawa mula noong Disyembre 2003. Noong 2006, nagpunta sa Israel ang lalaki para magtrabaho at bumalik sa Pilipinas noong 2009 para pakasalan ang babae. Para maisagawa ang kanilang kasal nang hindi kumukuha ng kinakailangang marriage license, pumirma sila sa isang Affidavit of Cohabitation (Affidavit) kung saan idineklara nilang anim na taon na silang nagsasama at dahil dito ay exempted sila sa kinakailangang marriage license sa ilalim ng Family Code.

Noong 2013, naghain ang lalaki ng petisyon para ipawalang-bisa ang kasal. Iginiit niyang mali ang kanilang idineklarang Affidavit dahil nasa Israel siya sa malaking bahagi ng panahong saklaw nito.

Paliwanag ng Korte Suprema na bagamat isa sa mga pormal na kinakailangan para sa isang kasal sa ilalim ng Article 3(2) ng Family Code ang balidong marriage license, nagtatakda ang Article 34 ng eksepsiyon para sa mga magkaparehang nagsama bilang mag-asawa nang hindi bababa sa limang taon at walang legal na hadlang sa kanilang pagpapakasal sa isaโ€™t isa.

Sinabi ng Korte na sa kasong Niรฑal v. Bayadog noong 2000, ang limang taong panahon ng pagsasama ay binibilang mula sa petsa ng kasal pabalik. Kailangang nagsama ang magkapareha nang tuluy-tuloy at eksklusibo nang walang pagkaantala o may ikatlong partido.

Sa kasong ito, sinabi ng Korte na ipinakita ng testimonya ng lalaki na hindi nagsama nang tuluy-tuloy ang mag-asawa sa loob ng limang taon kaya peke ang kanilang Affidavit na isinumite sa solemnizing officer. Lumabas din sa kanyang testimonya na hindi nila natugunan ang kinakailangang limang taong pagsasama.

Napag-alaman ng Korte na mula 2001 hanggang 2004, bago umalis ang lalaki patungong Israel, magkahiwalay sila ng tirahan at paminsan-minsan lamang nagsasama sa isang inuupahang silid kasama ang kanilang mga kamag-anak. Mula 2005 hanggang 2009, habang nasa Israel ang lalaki, walang ebidensiyang nagpapakitang ipinakilala nila ang kanilang sarili bilang mag-asawa o nilayon ng lalaki na bumalik sa Pilipinas para makasama ang kanyang asawa.

Dahil dito, nagpasya ang Korte na walang sapat na ebidensiya para patunayang nagsama nang tuluy-tuloy at eksklusibo ang dalawa bilang mag-asawa sa loob ng limang taon bago ang kanilang kasal.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174170.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168047.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

Gomburza Street , Brgy. Rizal
Cabugao
2732

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Municipal Trial Court of Cabugao, Ilocos Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category