04/06/2026
Broker Tip:
๐๐๐ ๐๐ก๐ "๐ฉ๐๐๐๐ก๐ง ๐ฃ๐ข๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก."
Nakakita ka ng magandang "rush sale" na bahay o lote. Ang problema, may nakatira pang tenant o kamag-anak ng seller. Sabi ni Seller sa 'yo, "Ika-notaryo lang natin ang bilihan, madali na lang silang paalisin."
Huwag na huwag kang papayag sa ganitong setup. Heto ang dahilan:
๐ ITโS THE SELLER'S RESPONSIBILITY:
Sa batas at sa standard real estate practice, obligasyon ng Seller na i-turnover sa 'yo ang property na malinis at walang tao (Vacant Possession). Sila ang may kontrata o relasyon sa nakatira doon, kaya sila ang dapat mag-ayos ng pagpapaalis bago mo ibigay ang buong bayad.
๐ THE "EVICTION" HEADACHE:
Kung binili mo ang lupa habang may tao sa loob, "pinalitan" mo lang ang seller sa problema. Kung ayaw umalis ng nakatira, hindi mo sila pwedeng basta-basta bakuran o sirain ang gamit. Kakailanganin mo pang dumaan sa Barangay at posibleng mag-file ng "Ejectment Case" sa korte. Aabutin ka ng buwan o taon, at magagastos ka pa sa legal fees.
๐ THE "AS-IS, WHERE-IS" TRAP:
Tingnang mabuti ang pinapapirmahang Deed of Sale. Kung may nakalagay na "As-Is, Where-Is," ibig sabihin ay tinatanggap mo ang property kasama ang lahat ng issues nitoโkasama na ang mga nakatira sa loob.
BROKER'S ADVICE:
Bago ibigay ang buong bayad o ang downpayment, siguraduhin na umalis na ang lahat ng nakatira. Mas mabuting lagyan ng condition sa kontrata na: "Full payment shall only be released upon actual and vacant turnover of the property." Protektahan ang iyong pera para iwas stress pagkatapos ng bilihan! ๐๏ธ๐