22/04/2026
Notice of Disallowance ng COA, ano ba talaga iyon?
Unang dapat maintindihan: ang Commission on Audit o COA ay isang independent constitutional commission. Hindi ito under ng isang department o opisina na puwedeng magdikta ng findings nito. Sa ilalim ng ating legal framework, COA ang may mandato na mag-audit ng paggamit ng government funds at magtakda ng auditing rules, kasama ang pag-disallow ng mga gastusing hindi pumapasa sa batas at audit standards.
Kaya kapag may Notice of Disallowance o ND, ang ibig sabihin niyan ay simple pero seryoso: may transaction, payment, o paggamit ng pondo na dinis-approve ng COA in audit, buo man o bahagi lang. Hindi ito simpleng memo. Formal audit finding ito na nagsasabing, sa tingin ng COA, may public funds na nailabas o nagamit sa paraang hindi pinapayagan sa audit.
Mahalaga rin ito: ang COA findings ay karaniwang document-driven. Ibig sabihin, hindi lang ito haka-haka o tsismis. Auditors examine disbursement reports, payrolls, vouchers, cashbooks, receipts, liquidation reports, at iba pang supporting documents. Sa liquidation-related transactions, lalo na sa cash advances at special funds, ang audit naturally nakasandal sa liquidation papers at supporting documents na isinumite at nasa custody for audit. Kaya kung kulang, mali, spurious, o hindi tugma ang papeles, doon madalas nagsisimula ang problema.
Hindi rin sapat na sabihing “may authority naman kami gumastos” o “nasa budget naman iyan.” Sa audit, ang tanong hindi lang may appropriation ba. Ang tanong din ay: legal ba, regular ba, kailangan ba, makatwiran ba ang halaga, at kompleto ba ang supporting documents? Sa ilang kaso, sinabi ng Korte Suprema na kahit pasok pa sa ceiling o budget ang gastos, puwede pa rin itong ma-disallow kung excessive, o kung ang claim ay hindi suportado ng receipts at other documents evidencing disbursement.
Ano ngayon ang standards ng disallowance? Dito mas dapat malinaw ang publiko.
Una, may illegal expenditure. Ito ang mga gastos na salungat mismo sa batas, rules, o authority na kailangan para mailabas ang pondo. Kapag walang legal basis ang payment, puwede itong i-disallow.
Ikalawa, may irregular expenditure. Ito ang mga gastos na hindi sumunod sa established rules, regulations, procedural guidelines, policies, o prescribed usages and rules of discipline. Hindi ibig sabihin na masama agad ang purpose. Minsan ang problema ay ang paraan ng paggastos: may nilaktawang procedure, may kulang na required step, o may departure sa tamang proseso.
Ikatlo, may unnecessary expenditure. Ito ang mga gastusing hindi supportive sa objectives at mission ng agency relative sa nature ng operations nito. Sa plain terms: baka gumastos nga ang opisina, pero hindi naman iyon talagang kailangan para sa mandato ng ahensiya. Hindi porket kapaki-pakinabang sa tingin ng iba ay necessary na sa audit sense.
Ikaapat, may excessive expenditure. Ito ang unreasonable expense na incurred at an immoderate quantity or exorbitant price, o iyong lampas sa usual o proper at beyond just measure or amount. Ito ang klase ng gasto na puwedeng may authority at may budget, pero overpriced, sobra ang quantity, o hindi proportionate sa pangangailangan.
Ikalima, may extravagant expenditure. Ito ang mga gastusing lampas sa bounds of propriety. Sa COA’s own terms, immoderate, prodigal, lavish, luxurious, grossly excessive, at injudicious ang ganitong spending. Hindi sapat na sabihin na “ginawa naman para sa opisina.” Tinitingnan din kung may pagka-luxury o sobra sa nararapat para sa public funds.
Ikaanim, may unconscionable expenditure. Ito ang unreasonable at immoderate na gasto na, sa simplehan, ay sobrang hindi makatarungan kaya hindi iyon gagawin ng isang matinong tao kung sarili niyang pera ang pinag-uusapan. Mas mabigat ito kaysa sa simpleng pagiging mahal. Ang focus dito ay ang sobrang kawalan ng fairness at reasonableness ng expenditure.
Ano ang epekto ng ND? Una, sinasabi ng COA na hindi valid in audit ang transaction, in whole or in part. Ikalawa, puwedeng magkaroon ng refund or return obligation. Ikatlo, puwedeng pangalanan sa ND ang mga taong mananagot. Pero hindi rin tama na isipin na automatic pare-pareho ang liability ng lahat. May COA rules on liability, at pinalinaw pa ng Korte Suprema sa mga kaso gaya ng Madera na mahalaga kung sino ang approving officer, certifying officer, recipient, at kung may good faith, bad faith, o gross negligence.
Pinakahuli, ang ND ay hindi pa criminal conviction. Audit disallowance muna ito. Posibleng may administrative, civil, o criminal consequences depende sa facts, pero hiwalay na usapan iyon. Kaya kapag may ND, hindi dapat minamaliit, pero hindi rin dapat mali ang framing.
Ang tamang framing ay ito: COA is formally saying that a government expenditure failed audit standards, and that can trigger refund and accountability issues.