Areola Law Office

Areola Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Areola Law Office, Notary public, Purok 6, Cullalabo San Antonino, Burgos, Isabela, Burgos.

Areola Law Office provides professional legal services in Burgos, Isabela, including legal consultation, Notary Public services, contract drafting, civil and criminal litigation, family law, labor law, property disputes, and corporate legal assistance.

ANNULMENT vs. DECLARATION OF NULLITY: ANO ANG PAGKAKAIBA? βš–οΈMagkaiba ang Annulment of Marriage at Declaration of Nullity...
18/08/2026

ANNULMENT vs. DECLARATION OF NULLITY: ANO ANG PAGKAKAIBA? βš–οΈ

Magkaiba ang Annulment of Marriage at Declaration of Nullity of Marriage, at mahalagang malaman kung alin ang naaangkop sa inyong sitwasyon.

πŸ”Ή ANNULMENT OF MARRIAGE
Ang kasal ay valid noong una, ngunit maaaring ipawalang-bisa dahil sa isang ground na umiiral noong panahon ng kasal.

Grounds under Article 45 of the Family Code:
β€’ Marriage between 18–21 without required parental consent
β€’ Unsoundness of mind of either party
β€’ Fraud
β€’ Force, intimidation, or undue influence
β€’ Physical incapacity to consummate the marriage
β€’ Serious and incurable sexually transmissible disease

πŸ”Ή DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE
Ang kasal ay void from the beginning. Ibig sabihin, walang valid marriage na nabuo sa ilalim ng batas.

Common grounds include:
β€’ One party was below 18 at the time of marriage
β€’ Lack of a valid marriage license, in cases where a license is required
β€’ Bigamous or subsequent marriage
β€’ Incestuous marriage
β€’ Marriage void for reasons expressly provided by law
β€’ Psychological incapacity under Article 36

πŸ“Œ Bakit mahalga ang distinction?

Dahil magkaiba ang kanilang legal grounds, requirements, at epekto sa ilalim ng Family Code. Hindi rin sapat na sabihing "ayaw na namin sa isa't isa" o "hindi na kami compatible" para maging awtomatikong maging ground ang mga ito.

at higit sa lahat:

Hindi dahil matagal nang hiwalay ang mag-asawa ay awtomatikong annulled or void ang kanilang kasal.

Kailangan pa rin ng court proceeding at judgment before the marriage may be legally treated as annulled or void.

Ang maling Lot Number sa deed of sale ay maaring itama at hindi nakaka apekto sa bisa ng kasulatan.
16/08/2026

Ang maling Lot Number sa deed of sale ay maaring itama at hindi nakaka apekto sa bisa ng kasulatan.

Nagpasya ang na nananatiling may bisa ang bentahan ng lupa na magkaibang numero ng lote ang nakasaad sa kasulatan ng bentahan o deed of sale kumpara sa tunay na nabenta, basta’t malinaw na maipapakita ang totoong pinagkasunduan ng mga partido. Dahil dito, maaaring itama ang kasulatan para tumugma sa aktuwal na napagkasunduan ng magkabilang panig.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang bentahan ng isang 491 metro kuwadradong lupain sa Lungsod ng Cebu sa pagitan ng mga mamimiling sina Genara at Felipe Abay, Sr. (mga Abay) at ng mga nagbentang sina Crispin Caballes at mga tagapagmana ni Trinidad Caballes-Gallardo (mga Gallardo), sa kabila ng pagkakamali sa nakalagay na numero ng lote sa deed of sale.

Bahagi ang lupang ito ng ari-ariang naiwan ni Margarita Lopez na may siyam na anak, kabilang sina Crispin at Trinidad.

Binisita ng mga Abay ang lugar kasama si Crispin at si Tomas Gallardo, isa sa mga tagapagmana ni Trinidad, bago nila binili ang ari-arian. Sa kanilang pagbisita, ipinakita sa kanila ang mga hangganan ng lupa. Tumulong pa si Tomas sa mga Abay sa pagtatayo ng bakod sa paligid nito.

Tinirahan ng mga Abay ang ari-arian nang humigit-kumulang 20 taon. Naputol lang ang kanilang paninirahan nang pumasok dito ang mga manggagawa ng mag-asawang Jacinto at Chiok Ngo Lim Young (mga Young), sinara ang bakod, at nagtayo ng sarili nilang mga poste.

Nalaman ng mga Abay na isang titulo para sa ari-arian ang naisyu sa pangalan ng mga Young. Dahil dito, naghain sila ng reklamo sa Regional Trial Court (RTC) para maipakansela ang nasabing titulo.

Kinuwestiyon ito ng mga Gallardo at ikinatuwirang ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay tumutukoy sa ibang lote, ang Lot No. 6036-B, at hindi sa loteng kanilang tinitirhan na Lot No. 7. Bagama’t parehong matatagpuan sa iisang lugar ang dalawang lote, hiwalay na ari-arian ang mga ito at hindi magkatabi. Sinuportahan ng mga Young ang panig ng mga Gallardo at pinanindigang sila ay mga mamimili na may mabuting intensyon.

Nagdesisyon ang RTC pabor sa mga Abay, pero binaliktad ang desisyong ng Court of Appeals (CA). Ayon sa CA, ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay nagpapakitang Lot No. 6036-B ang kanilang nabili at hindi ang Lot No. 7 na inangkin at pinaghahawakan nila.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at iginiit nito ang ang mga naging desisyon nito sa mga naunang kaso na nagpapatibay ng bilihan. Pinahihintulutan nito ang pagtatama ng kasulatan para maipakita ang tunay na kasunduan ng mga panig sa mga pagkakataong nabigo ang deed of sale na tumpak na mailarawan ang lupang nilayon ng magkabilang panig.

Sa ilalim ng Civil Code, maaaring itama ang isang kasulatan nang kapag dahil sa isang pagkakamali hindi nito naipapakita ang tunay na pinagkasunduan ng mga panig.

Paliwanag ng Korte Suprema, ang isang kontrata ay maaaring baguhin o itama kung: (1) nagkasundo ang mga panig sa transaksyon; (2) hindi naipapahayag ng kasulatan ang kanilang tunay na kasunduan; at (3) ang kamalian ay sanhi ng pagkakamali o mistake, panlilinlang o fraud, aksidente, o unfair conduct.

Sa kasong ito, napatunayang umiiral ang lahat ng mga kondisyong ito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=169523

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164169

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


ππ€πŠπˆπ“ 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 πŠπ€πˆπ‹π€ππ†π€ππ† πŒπ€π†ππ€-ππŽπ“π€π‘π˜πŽ βš–οΈπŸ“„Madalas nating marinig: β€œKailangan pa bang ipa-notaryo ’yan?” Pero ano nga ba t...
08/08/2026

ππ€πŠπˆπ“ 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 πŠπ€πˆπ‹π€ππ†π€ππ† πŒπ€π†ππ€-ππŽπ“π€π‘π˜πŽ βš–οΈπŸ“„

Madalas nating marinig: β€œKailangan pa bang ipa-notaryo ’yan?” Pero ano nga ba talaga ang silbi ng notarization?

Ang pagpapa-notaryo ay hindi lamang paglalagay ng pirma at selyo sa isang dokumento. Layunin nitong gawing isang notarial document ang isang pribadong dokumento at bigyan ito ng mas mataas na antas ng kredibilidad at pagiging tunay sa ilalim ng batas.

Narito ang ilang mahahalagang dahilan kung bakit nagpap notaryo:

πŸ”Ή 1. Para mapatunayan ang pagkakakilanlan ng lumagda.
Sinusuri ng notaryo ang pagkakakilanlan ng taong lumalagda upang makatulong na maiwasan ang paggamit ng ibang tao ng kanyang pangalan o pagkakakilanlan.

πŸ”Ή 2. Para matiyak na kusang-loob ang pagpirma.
Ang isang taong nagpapapirma at nagpapapanotaryo ay inaasahang personal na humaharap sa notaryo at kusang-loob na lumalagda sa dokumento.

πŸ”Ή 3. Para magkaroon ng mas matibay na ebidensiyang halaga ang dokumento.
Ang isang wastong notarized document ay maaaring magkaroon ng katangiang public document, depende sa uri at pagkakasagawa ng notarization. Dahil dito, maaari itong magkaroon ng mas mataas na probative value sa mga legal na proseso.

πŸ”Ή 4. Para makatulong na maiwasan ang pandaraya at pamemeke.
Bahagi ng tungkulin ng notaryo ang pagsunod sa mga rekisito bago isagawa ang notarial act. Hindi dapat basta-basta pinipirmahan at pinapanotaryo ang isang dokumento nang hindi sinusunod ang mga kinakailangang proseso.

πŸ”Ή 5. Para magkaroon ng karagdagang proteksiyon ang mga partido.
Ang notarization ay nagsisilbing isang mahalagang safeguard sa mga transaksiyon tulad ng affidavits, contracts, deeds, powers of attorney, at iba pang dokumentong nangangailangan ng notarization.

⚠️ PERO TANDAAN:
Ang notarization ay hindi nangangahulugan na awtomatikong tama, legal, o enforceable ang lahat ng nakasulat sa dokumento. Hindi rin trabaho ng notaryo na gawing legal ang isang ilegal na kasunduan.

At higit sa lahat, hindi maaaring ipa-notaryo ang isang dokumento nang wala ang mismong taong lumalagda. Ang personal appearance ng signatory ay isa sa mahahalagang requirement ng notarization.

πŸ“Œ Sa madaling salita:
Ang notaryo ay hindi lamang β€œtagapirma at tagapagselyo.” Ang notary public ay nagsisilbing neutral na legal safeguard upang makatulong na mapatunayan ang pagkakakilanlan, kusang-loob na pagpirma, at pagiging tunay ng isang notarial act.

Bago pumirma sa anumang mahalagang dokumento, basahin, unawain, at kung kinakailangan, kumonsulta muna sa isang abogado.

Ar**la Law Office is now open. You can visit our office at Purok 6, San Antonino, Burgos, Isabela, beside Bacaro Restaur...
31/07/2026

Ar**la Law Office is now open.

You can visit our office at Purok 6, San Antonino, Burgos, Isabela, beside Bacaro Restaurant or message us here for your legal concerns.

So, don't forget to follow our page to stay updated.

Address

Purok 6, Cullalabo San Antonino, Burgos, Isabela
Burgos
3322

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Areola Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share