23/10/2025
TANONG
PWEDE BANG UMUTANG SA BANKO NG PAMBILI NG BAHAY AT LUPA KAHIT WALA KA PANG EXISTING NA BAHAY AT LUPA NA MAISASANLA?
SAGOT
PWEDE...
Marami pa ding nagiisip na kailangang may existing ka ng property na kailangan mo ng maisanla sa banko para pautangin ka nila pambili ng bagong property. Mali po ito.
Sa kahit anong banko po na may home o housing loan, pwede ka nilang pautangin kahit wala ka pang existing na property.
Eto ang kailangan mong gawin.
1. Hanap ka ng binebentang property, pwedeng individual seller at pwede ding developer.
2. Ask mo kung papayag sila na idaan sa banko ang pagbili ng property nila o kung payag sila sa bank loan transaction.
3. Kapag pumayag, pwede ka na pumunta sa banko mo at iapply ng housing loan yung gusto mo bilhin. Kailangan maisubmit mo ang mga requirements ng banko at kung makakapasa ka, ma aapprove ang loan mo.
4. Kapag nakapasa ka at naapprove ang housing loan mo, magbibigay ang banko ng letter of guarantee sa seller ng property. Pinapangako at ginagarantiya ng banko na sila ang magbabayad ng property kapag nailipat na ang titolo sa pangalan ng buyer.
5. Kapag nailipat na sa pangalan ng buyer / umuutang, saka irerelease ng banko ang bayad sa seller, at yung titolo tatakan ng banko at yun mismo ang magiging collateral sa banko
Walang pinagkaiba ang motorcycle loan sa home loan, yung mismong motor na bibilhin mo, yun din ang magiging collateral sa banko. Ganun din sa housing loan, yung mismong bibilhin mong bahay ang magiging collateral.
TAKE NOTE: Di din madaling maghulog ng utang sa banko, na ang pambayad ay galing aa sweldo mo. Ang payo ko dito, pwede kang magtayo ng maliit na negosyo gaya ng sari sari store, computer shop at sa naging experience ko, gym ang tinayo ko kaya ako nakapag bayad ng utang ko sa home loan ko