29/11/2020
NAWAWALA BA ANG TITULO NG IYONG LUPA?
Mahalagang pag-ingatan ang Owner’s Duplicate Copy ng titulo ng iyong ari-arian dahil kung ito ay nawala, maaaring mailipat/maibenta ang ari-arian sa ibang tao sa pamamagitan ng fraudulent transfer. Maaari ring maging biktima ang bibili nito sa paniniwalang ang may hawak ng Owner’s Duplicate Copy of Title ang nag-mamay-ari ng lupa o otorisadong magbenta ng iyong lupa.
Ang may-ari ay maaaring magpagawa ng kapalit ng nawalang Owner’s Duplicate Copy of Title sa pamamagitang ng Judicial Process. Kailangan ang serbisyo ng isang abogado para dito dahil kailangang hilingin ito sa korte sa pamamagitan ng Petition for the Issuance of a New Owner’s Duplicate Copy of Title. Kung walang interesadong partido na kukontra sa Petition, ang kabuuang proseso ay maaring abutin ng limang buwan (approximate).
Ang mga obligasyon ng may-ari ng lupa ay ang mga sumusunod:
1. filing fees
2. attorney’s fees
3. posting fees
MGA PROSESO SA PAGKUHA NG BAGONG OWNER’S DUPLICATE COPY OF TITLE:
Una, Kumuha ng Electronic Copy ng titulo sa Registry of Deeds (ROD) sa lugar kung saan nakarehistro ang lupa.
Pangalawa, Pumunta sa Notaryo Publiko (Notary Public) para magpagawa ng Affidavit of Loss Title.
Pangatlo, pumunta sa Registry of Deeds para ipa-annotate sa kopya ng titulo ang Affidavit of Loss.
JUDICIAL PROCESS:
Pang-apat, gumawa ng Petition.
Panglima, i-file ang petition sa Regional Trial Court (RTC) kung saan nakareshistro ang lupa.
Pang-anim, gumawa ng Judicial Affidavits.
Pang-pito, ilathala (post/publish) ang Order na galing sa korte sa apat na conspicuous places na nakasulat sa Order.
Pang-walo, kumuha ng certifications, labin-limang araw pagkatapos ng posting
Pang-siyam, pagdinig sa korte (hearing)
Pang-sampu, magpapalabas ng Decision ang Korte na siyang magiging basehan ng Registry of Deeds sa pagbibigay ng New Owner’s Duplicate Copy ng titulo sa may-ari ng lupa.
Atty. Brigette M. Sorita
SORITA LAW & NOTARIAL OFFICE
Rizal St. Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan
0917-154-6044
0947-473-9480