20/03/2026
STOP HARASSMENT. PROTECT SAFE SPACES
Sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, ipinagbabawal ang anumang uri ng sexual harassment sa kalsada, pampublikong lugar, online, at maging sa loob ng mga opisina at paaralan.
Ang bawat isa ay may karapatang makaramdam ng kaligtasan at respeto—lalo na ang kababaihan at kabataan.
Hinihikayat ang lahat na maging mapagmatyag at makiisa sa pagpigil sa anumang uri ng pang-aabuso. I-report agad sa inyong Barangay o kinauukulang awtoridad ang mga insidente ng harassment.
📍 Barangay 01 Poblacion
📞 Hotline: 09702425964