09/05/2025
Binigyang diin ng na ang pagpapalagay na ang isang mail ay naihatid nang maayos batay sa resibo sa registry ng post office ay pwedeng baliktarin kung may matibay na ebidensya na sumasalungat dito.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, sinabi ng Third Division ng Korte na nagkamali ang Civil Service Commission (CSC) sa pagbasura sa apela ni Victoria Labastida dahil late umano ito nai-file.
Si Labastida ay tinanggal bilang Municipal Planning and Development Officer ng Saint Bernard, Leyte ng Disciplining Authority ng Office of the Municipal Mayor dahil sa gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service base sa reklamo ni Monina Quires.
Ang kopya ng desisyon na may petsang Hunyo 10, 2016 ay naiulat na ipinadala kay Labastida sa pamamagitan ng registered mail tulad ng ipinapakita ng registry return receipt โrefused to accept 06-14-16โ (tumangging tanggapin 06-14-16).
Itinanggi ni Labastida na natanggap niya ang kopya ng desisyon. Sinabi niya na nalaman lang niya ito noong Marso 8, 2017, nang makatanggap siya ng notice of suspension mula sa Commission on Audit. Pagkatapos ay naghain siya ng apela sa CSC noong Marso 16, 2017 pero ibinasura ito ng CSC dahil lampas na sa 15-araw na palugit.
Pinagtibay ng Court of Appeals ang desisyon ng CSC na nagsabing ang registry return receipt ay ipinapalagay na wastong naibigay ng post office sa regular na pagganap ng mga opisyal na tungkulin nito.
Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema sa CA. Ipinaliwanag nito na ang mga pagpapalagay o โpresumptionโ sa ilalim ng Rules on Evidence, partikular ang pagpapalagay na ang mga opisyal na tungkulin ay regular na ginagampanan at ang koreo ay naihatid nang maayos, ay maaaring mabaliktad kung may malakas at salungat na ebidensya.
Sa kasong ito, itinanggi ni Labastida na natanggap niya ang desisyon at ito ay suportado ng pahayag ng sumunod na Alkalde na walang anumang record ang kanyang opisina o ang Human Resources Management Office ng Saint Bernard sa diumano'y desisyon noong Hunyo 10, 2016 o anumang kasong administratibo na kaugnay dito. Sa halip, sila ay naabisuhan lamang na may desisyon noong Marso 8, 2017. Ang registry return receipt ay naglalaman din ng lagda ng isang hindi kilalang opisyal ng koreo. Dahil dito, nailipat ang burden of proof sa nagreklamo para ipakita na ang desisyon ay talagang natanggap ni Labastida.
Nilinaw din ng Korte Suprema na ilalim ng 1997 Rules of Civil Procedure na noon ay umiiral, ang pagpapakita lang ng isang registry return receipt ay hindi sapat para patunayan ang wastong paghain. Dapat may kasama itong affidavit ng postmaster na nagkukumpirma kung kailan, paano, at kanino ginawa ang paghahatid ng dokumento. Kailangan pa rin ito sa ilalim ng 2019 Rules of Civil Procedure.
Basahin ang buong teksto ng press release sa https://tinyurl.com/yckbpt78.
Bashin ang buong teksto ng Desisyon sa https://tinyurl.com/4rbnppps.