21/04/2026
Manong Atty. King, kami po ay nagbibusiness ng grains trading sa aming lugar na kung saan kami po ay lisensyado/rehistrado at nakapermit sa ahensya ng gobyerno sa lugar na kami ay nagooperate. Ngayon may pumasok na nagpakilalang owner ng grains trading business na ang kanyang lisensya daw ay regional kaya ang rason nila pwede daw sila mag operate kung saan nila gusto. Ang problema ngayon yung mga nakautang sa amin na mais at palay at napagkasunduang pambayad sa mga nahiram nila na mga agrikultural supplies noong taniman at nabenta na sa kanila at hindi na nakapagbayad sa amin ang mga may utang.
Tanong ko lng po legal ba na pumasok ang nasabing grains business sa mga municipalidad na kung saan hindi naman sila rehistrado at lisensyado sa ahensya ng gobyerno na mag operate?
Sagot:
In my most humble legal opinion, una ang Regional at/o National Licensing ng grains business ay karaniwan ibinibigay ng ahensya ng gobyerno tulad ng NFA.
Ngunit legal ba talaga na pumasok sila sa ano mang musipalidad? Hindi po basta basta pwedeng pumasok sa kadahilanang ang operansyon ay alinsunod sa batas at patakaran ng lgu sa lugar o municipalidad. Bago makapasok at makapag operate kailangan ang business/branch ng business ay makapgsecure ng mga papel at dokumento sa lugar, tulad ng DTI, Mayor's Permit, Registration sa BIR, Lisensya at iba pang mga dokumento sa mga ahensya ng gobyerno na kung saan sila ay mag ooperate.
Tulad din ng mga grains businesses na meron sa musipalidad maliit man o malaki sila po ay minamandatohan na magsecure ng mga kailangang dokumento sa lugar para legal na makapag operate.
Ang operasyon ng business na walang sapat na dokumento, rehistrado, lisenya sa lugar o musipalidad na itoy nag ooperate ay hindi tama o itoy illegal na operation ng business.
Paalala!
Lahat ng tao ay may karapatang mag business at kumita at mas masayang kumita at magoperate kung itoy nasa tama at legal na pamamaraan. Maging patas malaki man ang business o maliiy. Lalong lalo na sa mga micro businesses na ang hangad lang ay kumita ng maayos para maitawid ang araw araw na pangangailangan.