17/04/2026
Inaanyayahan ng 𝐌𝐢𝐠𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐖𝐎) 𝐌𝐢𝐥𝐚𝐧, sa pakikipagtulungan sa 𝐊𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐫𝐞𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬, ang mga miyembro ng komunidad ng mga Pilipino sa Milan at sa hilagang Italya na makilahok sa isang 𝐉𝐮𝐝𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 na tatalakay sa mahahalagang usaping legal na may kinalaman sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya.
Sa forum na ito, ibabahagi nina 𝐒𝐮𝐩𝐫𝐞𝐦𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐞 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐮𝐥 𝐇𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨, 𝐀𝐦𝐲 𝐋𝐚𝐳𝐚𝐫𝐨-𝐉𝐚𝐯𝐢𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐦𝐮𝐞𝐥 𝐆𝐚𝐞𝐫𝐥𝐚𝐧 ang mga kamakailang desisyon ng Korte Suprema at mga mahahalagang usapin tungkol sa family law, gender protection, at mga karapatan ng OFWs at kanilang mga pamilya.
Layunin ng forum na ito na maipaliwanag sa ating mga kababayan sa ibang bansa ang mga batas at legal na usapin na maaaring makaapekto sa kanilang buhay at sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Detalye ng Forum:
Petsa: 𝟎𝟒 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔
Oras: 𝟑:𝟎𝟎 𝐏𝐌 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌
Lugar: 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐇𝐚𝐥𝐥, 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐌𝐢𝐥𝐚𝐧
𝐕𝐢𝐚𝐥𝐞 𝐒𝐭𝐞𝐥𝐯𝐢𝐨 𝟕𝟏, 𝐌𝐢𝐥𝐚𝐧, 𝐈𝐭𝐚𝐥𝐲
Libre ang paglahok, ngunit kinakailangan ang rehistrasyon. Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa poster.
Dahil limitado lamang ang bilang ng mga upuan, hinihikayat ang mga interesadong kalahok na magparehistro nang maaga.
Inaanyayahan namin ang ating mga kababayan sa hilagang Italya na makilahok sa makabuluhang talakayang ito.