Atty. Carla Patrice Cucueco

Atty. Carla Patrice Cucueco Philippine Accredited Lawyer currently based in Madrid Spain as a Master of Law student of IE University.

Expertise include Philippine taxes, transfer of real and personal properties & contract drafting.

Schedule for July Financial Statements Demystified Webinar:July 9-10 OR July 16-17. Financial Statements Demystified:  2...
06/07/2022

Schedule for July Financial Statements Demystified Webinar:
July 9-10 OR July 16-17.

Financial Statements Demystified: 2-day zoom webinar crash course to understand how financial statements work
Day 1: Importance of Financial Statements, Introduction to the Accounting Formula, Parts of an FS, Recognition of Revenues & Expenses, Simulation FS Preparation
Day 2: Tax audit issues in FS, company valuation, relevant ratios, fraudulent FS recording

Cost: 1,500 Pesos

Sign-up link: https://forms.gle/TkyCPLGX4qYjVa4y6

For those interested to attend the seminar this weekend, we still have slots! If you are interested to join, please regi...
23/06/2022

For those interested to attend the seminar this weekend, we still have slots!

If you are interested to join, please register through this link: tinyurl.com/FSdemystified

Payments to be made via gcash or bank transfer after email schedule confirmation.

Hello! I am inviting everyone to participate in this webinar that I have designed to demystify financial statements. Whi...
10/06/2022

Hello! I am inviting everyone to participate in this webinar that I have designed to demystify financial statements.

While I initially had a difficult time to understand financial statements, my corporate and tax law practice, now fortified by my business classes in my LL.M., have taught me how this document simply reports the current health of a company. Knowing that this is an essential skill for every financially savvy individual, I would like to share this knowledge to as much persons as I can, sincerely believing that with the right perspective, everyone can read financial statements allowing them to make the right business/investment decisions. :)

That said I am offering the 2-day webinar on the ff dates to be held via zoom:

Option 1: Module 1 & 2: June 18-19, 1:30-3:30 PM, Price: Php 1,500 for both sessions [20 slots available]
Option 2: Module 1 & 2: June 25-26, 1:30-3:30 PM, Price: Php 1,500 for both sessions [20 slots available]

Coverage:

Module 1
> Importance of Financial Statements
> Introduction to the Accounting Formula
> Parts of an FS
> Recognition of Revenues & Expenses (Accrual & Deferral)
> Simulation FS Preparation: Journal > Ledger > Trial Balance > Income Statement > Statement of Retained Earnings > Balance Sheet > Statement of Cash Flows

Module 2
> Tax audit issues in FS
> Merger & Acquisition issues in FS
- Company valuation,
- Relevant ratios,
- Red flags for fraudulent recordings

Note: Modules cannot be taken separately. The 2-day program is designed to ensure that participants are able to get a holistic understanding of the concepts. For participants who will be absent for one session, a recording will be sent to you.

If you are interested to join, please register through this link: tinyurl.com/FSdemystified

Payments to be made via gcash or bank transfer after email schedule confirmation.
July sessions to be announced soon!

Client feedback! Always very grateful to help! :)
27/05/2022

Client feedback! Always very grateful to help! :)

Services Offered!
24/05/2022

Services Offered!

24/05/2022

Ano ang apostille? Ano ang relasyon nito sa red ribbon galing sa embassy?

Hello Ed! Maraming salamat sa iyong tanong! Tulad ng red ribbon galing sa embassy, and apostille ay nagpapatunay na ang isang public document ay lehitimong inexecute sa isang bansa. Bago ang lahat, kailangan ko muna bigyang linaw ang layunin ng red ribbon o consularisation ng mga dokumento— bakit ba natin ito ginagawa?

Unang-una, kapansin-pansin na sa mundo natin ngayon, halos lahat ng aspeto ng ating buhay ay may bahid ng pagiging international. Hindi nalalayo ang paggamit ng mga dokumento dito, at madalas natin makita na ang dokumentong pinirmahan sa Pilipinas ay ginagamit sa ibang bansa; at vice versa.

Dahil magkaibang bansa ang pinagmulan at paggagamitan ng dokumento, mahalaga na may opisinang magpapatunay na ang isang dokumentong pinirmahan sa isang bansa ay siya ring mismong dokumentong gagamiting sa ibang bansa. Dahil dito, madalas natin pinapa-red ribbon ang mga SPA na pinirmahan sa España pero gagamitin sa Pilipinas, o, sa kasalungat, pinapa-authenticate natin sa DFA ang mga dokumento sa Pilipinas na gagamitin sa España.

Nung May 14, 2019, ang Pilipinas ay naging miyembro ng Hague Apostille Convention kung saan ginagawang legal ang paggamit ng apostille kapalit ng red ribbon para mas mapadali ang proseso ng pagkuha nito. Gayunpaman, hindi lahat ng bansa sa mundo ay miyembro ng Hague Convention. Para sa mga bansang hindi miyembro, hindi sila tumatanggap ng Apostille at kailangan mo kumuha ng red ribbon sa embassy. Makikita ang listahan ng mga miyembro sa link na ito: https://www.hcch.net/en/instruments/conventions/status-table/?cid=41

Sa madaling salita, ang apostille ay isang alternatibo sa red ribbon sa mga dokumentong pinirmahan sa ibang bansa pero gagamitin sa Pilipinas. Ang apostille sa España ay makukuha sa judiciary office nila. Tandaan na tulad ng red ribbon, kailangan ang dokumento ninyo ay notarized muna bago ito lagyan ng apostille.

For any assistance ng pagpanotaryo sa España at pagkuha ng apostille, PM is the key. ;)

13/05/2022

Hi Tim! Maraming salamat sa iyong tanong! Unang-una sa lahat, mag-ingat ka sa mga scammer sa internet na nag-ooffer ng annulment services. Hindi totoo na may express process. Kailangan ng abogado at pagfile ng petition sa korte para sa annulment. Maraming Salamat sa tanong mo at mabibigyan linaw ang tamang proseso ng annulment.

Bago ang lahat nais ko muna linawin kung ikaw ba ang mag fifile ng kaso o nagtatanong ka para sa kaibigan mong Pilipino? Magka-iba kasi ang proseso kung isa sa mag-asawa ay foreigner o kung ang mag-asawa ay dalawang Pilipino.

Kung sakaling ikaw mismo ay may asawang Pilipina, pwede kayo kumuha ng divorce sa bansa mo, sa Italy. Pagkatapos, ang desisyon sa divorce ay dadalhin ng iyong asawa sa Pilipinas it ipapa-recognize sa mga korte para mapalitan ang civil status niya sa civil registry ng Pilipinas. Ang proseso ng judicial recognition ay nangangailangan ng serbisyo ng abogado dahil ito’y isang ganap na kaso. Pag na grant na ang petition, ‘single’ na ulit ang iyong asawa sa Pilipinas at maari na siyang magpakasal.

Kung sakali namang nagtatanong ka para sa kaibigan mong Pilipino na may asawang Pilipina, ang proseso ay nagsisimula sa pagfile ng petition sa RTC kung saan nakatira ang isa sa mag-asawa. Kung kaibigan mo ay isang OFW at ang isawa niya ay naninirahan sa Pilipinas, pwede ito i-file sa RTC kung saan nakatira ang asawa sa Pilipinas. Nais ko lang bigyang-diin na importanteng tama ang address ng mag-asawa sa korte dahil sa oras na mag file ang kaibigan mo ng kaso, ang korte ay magpapadala ng summons sa kaniyang asawa at kung hindi siya mahanap ng korte, madidismiss ang kaso.

Sa petition ng iyong kaibigan, importanteng nakasaad ang mga testimoniya ng mga witness na nagbibigay tunay sa mga grounds for annulment, o mga basehan ng annulment. Maaring gumamit ng psychologist kung gusto niya, pero hindi ito requirement kung sapat naman ang iba niyang mga ebidensiya. Ito ay dahil sa desisyong ng Korte Supreme sa Andal-Tan v Andal.

Magkakaroong ng mga hearing ang RTC para mapatunayan ang mga nakasaad sa petition mo. Kapag ang RTC ay mag-issue ng desisyon na nag-grant ng annulment, kailangan mag-abang ng ilang araw at maniguradong hindi mag-aapila ang Solicitor General sa Court of Appeals. Kung ito’y hindi nag-apila, ang desisyon ay magiging final at ang kaibigan mo ay single na ulit.

Kung may mga katanungan ka pa, iniimbitahin kita sa aking legal seminay sa May 21, 4:00-5:30PM sa Tetuan Madrid! 20 slots available! Message para mag-register na!

Kung nais mo rin mag-one-on-one consultation, message to schedule appointment!

Salamat, Tim!

19/04/2022

Hello Romina! Maraming salamat sa iyong tanong!

Unang-una, Romina, dahil ikaw ay hindi Filipino citizen, hindi ka makakabili ng lupa sa Pilipinas. Pero, makakabili ka ng condominium unit as long as ang condominium na bibilhin mo ay sumusunod ito sa karampatang foreign ownership requirements--- na hindi hihigit sa 40% ng may-ari ng condo ay foreigners.

Pero, sakaling maging Filipino ka balang araw at itutuloy mo ang pagbili ng lupa sa Pilipinas, una mong i-checheck ay yung titulo na hawak ng seller.

May dalawang uri ng lupa sa Pilipinas, rehistrado o hindi. Ang pinagkaiba ng dalawa ay yung isa naka-rehistro na sa Register of Deeds sa Pilipinas, at kinikilala nang pagmamay-ari ng isang indibidwal, habang yung hindi pa rehistrado, kinikilalang pag-mamay-ari pa rin ng estado ng Pilipinas at kinakailangan patunayan ng nangungupahan ang kaniyang mas matimbang na karapatan sa lupa versus sa estado ng Pilipinas. Mas protektado ka kung ang bibilhin mong lupa ay yung rehistrado na.

Sakaling rehistrado ang lupa, siguraduhing ang seller ang siyang nakapangalan sa titulo at nasa kaniya ang owner’s duplicate copy of title. Kung naka-pangalan sa iba, or may iba pang mga taong nakapangalan dito, hingin mo ang dokumentong nagbibigay awtoridad sa seller ibenta ang lupa. Sakali namang nawawala ang owner’s duplicate copy of title, kailangan ipa-reconstitute ito bago malipat sa pangalan mo ang titulo. Importanteng siguraduhin na authentic ang mga dokumentong pinapakita sa’yo at hindi peke.

Kung maayos ang mga dokumento, hinihikayat kita na bisitahin mismo yung lupa at siguraduhing parehong lupa ang nakasaad sa titulo sa lupang binebenta sa’iyo. Siguraduhin ring walang estrangherong nakatira sa lupa o umaangkin dito.

Sana sapat na ito sa mga tanong mo Romina! Ulit, maraming salamat!

Sa mga nais magtanong, PM is the key.

Dirección

Madrid
28028

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando Atty. Carla Patrice Cucueco publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Compartir