Aguirre Law Office - Greenhills, San Juan City

  • Home
  • Aguirre Law Office - Greenhills, San Juan City

Aguirre Law Office - Greenhills, San Juan City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Aguirre Law Office - Greenhills, San Juan City, Criminal lawyer, Jafer Place, Unit 406, #19 Eisenhower Street Greenhills, San Juan City, .

The   𝘌𝘯 𝘉𝘢𝘯𝘤, during its session today, January 21, 2026, denied the motion for reconsideration filed by retired Court ...
23/01/2026

The 𝘌𝘯 𝘉𝘢𝘯𝘤, during its session today, January 21, 2026, denied the motion for reconsideration filed by retired Court of Appeals Associate Justice Isaias P. Dicdican seeking to lift his preventive suspension from the practice of law and restore his pension and retirement benefits.

In denying Dicdican’s motion for reconsideration, the SC stressed that the preventive sanctions were not meant to punish him, but to serve as precautionary measures.

In 2025, the SC formally charged Justice Dicdican with gross misconduct for his alleged involvement in the murder of Atty. Joey Luis B. Wee, who was shot and killed on November 23, 2020 in Cebu City.

Following the filing of the charge, the SC ordered Justice Dicdican’s preventive suspension from the practice of law and the discontinuation of his pension and retirement benefits pending the resolution of his administrative case.

The SC explained that preventive suspension is necessary because Justice Dicdican, having practiced law and served as a Court of Appeals Justice in Cebu, may have possible influence that could obstruct the ongoing criminal and administrative cases against him.

Under the 𝘊𝘰𝘥𝘦 𝘰𝘧 𝘗𝘳𝘰𝘧𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘙𝘦𝘴𝘱𝘰𝘯𝘴𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘈𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺, preventive suspension is imposed to prevent interference with an investigation. This includes tampering, hiding, or destroying evidence, and intimidating witnesses.

Read the full text of the Press Briefer at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159464

The full text of the Supreme Court 𝘌𝘯 𝘉𝘢𝘯𝘤 Resolution in A.M. No. 25-03-03-CA (𝘙𝘦𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘔𝘶𝘳𝘥𝘦𝘳 𝘊𝘢𝘴𝘦 𝘍𝘪𝘭𝘦𝘥 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵, 𝘈𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘖𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴, 𝘊𝘰𝘶𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘈𝘱𝘱𝘦𝘢𝘭𝘴 𝘑𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦 𝘐𝘴𝘢𝘪𝘢𝘴 𝘗. 𝘋𝘪𝘤𝘥𝘪𝘤𝘢𝘯 [𝘙𝘦𝘵𝘪𝘳𝘦𝘥]) shall be uploaded to the Supreme Court website once available.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

G.R. No. 274778, Aquilino Pimentel III et al. v. House of Representatives et al.G.R. No. 275405, Bayan Muna Chairman Ner...
11/12/2025

G.R. No. 274778, Aquilino Pimentel III et al. v. House of Representatives et al.
G.R. No. 275405, Bayan Muna Chairman Neri Colmenares et al. v. Executive Secretary Lucas P. Bersamin et al.
G.R. No. 276233, 1Sambayan Coalition et al. v. House of Representatives et al.

Nagkakaisang ipinag-utos ng , sa sesyon nito noong December 3, 2025, na ibalik ang 60-bilyong pisong pondo ng PhilHealth na naunang inilipat sa National Treasury. Permanente namang ipinagbawal ang paglilipat ng natitirang balanse ng pondo na nagkakahalaga ng 29.9 bilyong piso.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, pinawalang-bisa rin ng mayorya ng En Banc ang Special Provision 1(d), Chapter XLIII ng 2024 General Appropriations Act (2024 GAA), at Department of Finance (DOF) Circular No. 003-2024, na siyang naging basehan para sa paglilipat ng pondo.

Pinahintulutan ng Special Provision 1(d) ang pagbabalik ng balanse ng pondo o ng sobrang reserbang pondo ng mga government-owned or controlled corporations (GOCC) sa National Treasury para pondohan ang mga unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2024 GAA.

Naglabas naman ang DOF ng Circular No. 003-2024 na nag-aatas ng paglilipat ng 89.8-bilyong piso sa National Treasury pero ang kabuuang na-remit ng PhilHealth sa National Treasury bago ito ipatigil ng Korte Suprema ay 60 bilyong piso, sa tatlong yugto o tranches.

Idineklara ng Korte na labag sa Konstitusyon ang Special Provision 1(d) ng 2024 GAA dahil ito ay isang rider—isang probisyong hindi kaugnay o walang kinalaman sa layunin ng panukalang batas, na ipinagbabawal sa Saligang Batas. Malabo ang probisyon dahil naghain ito ng konsepto ng “fund balance” na hindi naman tinukoy sa 2024 GAA.

Nagpasya rin ang Korte na ang Special Provision (1)d ay labag sa Konstitusyon dahil pinapawalang-bisa nito ang Section 11 ng Universal Health Care Act (UHCA) at ang Sin Tax Laws.

Dagdag pa ng Korte, hindi maaaring magdagdag ang Kalihim ng DOF ng anumang item sa GAA dahil nasa Pangulo ang kapangyarihang ito.

Wala namang nakita ang Korte Suprema na pag-abuso sa diskresyon ng Pangulo nang sertipikahan niya bilang urgent ang House Bill No. 8980, na ngayon ay ang 2024 GAA.

Tinanggihan naman ng Korte Suprema na tukuyin ang pananagutan ng DOF Secretary sa mga kasong technical malversation at/o plunder dahil hindi umano ito nararapat na resolbahin. Ang tanging isyu na nararapat na harapin ay ang bisa ng mga inilabas na kautusan at kung ang mga ito ba ay inisyu nang may pag-abuso sa diskresyon. Pero may mga mahistrado na nagsabing walang kriminal na pananagutan ang DOF Secretary, na kumilos nang may mabuting hangarin sa pagpapatupad ng Special Provision 1(d).

Iniutos ng Korte na ibalik sa PhilHealth ang pondong nagkakahalaga ng 60 bilyong piso sa pamamagitan ng 2026 GAA.

Mga Hiwalay na Opinyon:

Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen: Walang bisa ang presidential declaration of urgency dahil walang emergency o pampublikong kalamidad ang magbibigay-katwiran sa pag-aalis ng constitutional requirement ng tatlong pagbasa sa magkakahiwalay na araw.

Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa: Nagmalabis ang Kongreso sa kanyang kapangyarihan nang dagdagan nito ang unprogrammed appropriations na iminungkahi ng Pangulo, na sadya umanong pagtatangkang iwasan ang pagbabawal sa Konstitusyon laban sa pagtaas ng mga iminungkahing appropriation ng Pangulo.

Associate Justice Ramon Paul L. Hernando: Labag sa Konstitusyon ang mga unprogrammed appropriations sa GAA at dapat alisin ang buong halaga nito.

Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting: Ang sertipikasyon ng Pangulo sa panukalang batas bilang urgent ay nakabatay sa makatwirang pagtatasa sa mga pangangailangan ng bansa at hindi isang matinding pag-abuso sa kapangyarihan.

Associate Justice Rodil V. Zalameda: Bagaman sumasang-ayon siya na labag sa Konstitusyon ang paglilipat ng pondo, naniniwala siya na maaaring ituring pa rin na kumilos ang pamahalaan nang may mabuting layunin kaya may pag-aalinlangan siya sa ganap na pagpapawalang-bisa sa Special Provision No. 1(d) at DOF Circular No. 003-2024.

Associate Justice Samuel H. Gaerlan: Ang pagpapawalang-bisa sa mga inilabas na kautusan ay hindi nagpapawalang-bisa sa mabuting layunin ng Kalihim ng DOF sa pagpapatupad ng Special Provision No. 1(d) sa pamamagitan ng DOF Circular No. 003-2024, at hindi rin nito awtomatikong nagiging batayan ng kanyang pananagutan.

Associate Justice Ricardo R. Rosario: Hindi katumbas ng kriminal na pananagutan ang malubhang pag-abuso sa kapangyarihan ng isang opisyal ng pamahalaan.

Associate Justice Jhosep Y. Lopez: Hindi siya sang-ayon sa ganap na pagpapawalang-bisa ng Special Provision No. 1(d) at DOF Circular No. 003-2024 at iginiit na ang desisyon ay dapat limitado lamang sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth.

Associate Justice Japar B. Dimaampao: Hindi nararapat ang ganap na pagpapawalang-bisa ng Special Provision No. 1(d) at DOF Circular No. 003-2024 dahil maaari itong itugma sa UHCA at sa Sin Tax Laws.

Associate Justice Jose Midas P. Marquez: Hindi siya sang-ayon sa malawakang pagpapawalang-bisa sa mga inilabas na kautusan. Binigyang-diin niya na ang Special Provision No. 1 (d) ay may presumption of constitutionality at dapat na iayon sa Konstitusyon.

Associate Justice Maria Filomena D. Singh: Ang paglilipat ay naglilihis ng mga pondong nakalaan para sa mga mahihirap, senior citizen, at mga taong may kapansanan, na nagpahina sa kakayahan ng PhilHealth na magbigay ng pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan at mahahalagang suporta sa mga mahihirap na Pilipino.

Associate Justice Raul B. Villanueva: Hindi siya sang-ayon sa pagdedeklarang labag sa Konstitusyon ang Special Provision No. 1 (d), na iginiit niyang hindi naman tuwirang nagpawalang-bisa sa UHCA at Sin Tax Laws. Idinagdag niya na dapat ilapat ang Special Provision No. 1 (d) sa mga GOCCs na ang mga charter ay hindi nagbabawal sa ganitong paglilipat ng pondo.

Basahin ang kabuuan ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156834

Basahin ang Kabuuan ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156755

Basahin ang Hiwalay na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156760

Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156766

Basahin ang Hiwalay na Concurring at Dissenting Opinion ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156771

Basahin ang Hiwalay na Concurring Opinion ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156776

Basahin ang Hiwalay na Concurring Opinion ni Associate Justice Rodil V. Zalameda sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156781

Basahin ang Hiwalay na Concurring Opinion ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156786

Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Ricardo R. Rosario sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156792

Basahin ang Hiwalay na Concurring Opinion ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156797

Basahin ang Hiwalay na Opinyon ni Associate Justice Japar B. Dimaampao sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156802

Basahin ang Hiwalay na Opinyon ni Associate Justice Jose Midas P. Marquez sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156807

Basahin ang Hiwalay na Concurring Opinion ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156812

Basahin ang Hiwalay na Opinyon ni Associate Justice Raul B. Villanueva sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156820

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Vallacar Transit Inc vs. Yanson; GR No. 259337Naglatag ang   ng mga gabay o panuntunan na dapat sundin ng mga hukuman ba...
04/12/2025

Vallacar Transit Inc vs. Yanson; GR No. 259337

Naglatag ang ng mga gabay o panuntunan na dapat sundin ng mga hukuman bago ideklara ang isang indibidwal bilang fugitive from justice o pugante sa batas. Nagpasya rin ito na hindi maaaring humingi ang isang pugante ng anumang judicial relief dahil hindi nagkaroon ng hurisdiksiyon ang hukuman sa kanya.

Ang isang pugante ay hindi lamang ang taong tumatakas sa batas matapos mahatulan para takasan ang parusa kundi pati na rin ang taong umalis matapos sampahan ng kaso para takasan ang prosekusyon. Ang intensiyong umiwas sa prosekusyon o sa parusa ang mahalagang elemento.

Nagpasya ang Korte Suprema na importanteng alam ng tao na may Information o isinampang kaso o may warrant of arrest na inilabas laban sa kanya. Ang impormasyong ito ay maaaring makuha ng tao mula sa aktwal na pagbatid sa pamamagitan ng personal na pagtanggap ng Information. Maaari ring “constructive” na pagbatid sa pamamagitan ng klaro, publiko, at dokumentadong pagsisikap ng mga alagad ng batas na ihain ang mga prosesong legal kahit naiwasan o hindi naging matagumpay ang personal na paghain.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, tinalakay ng En Banc ng Korte Suprema kung sino ang maituturing na pugante sa batas at naglatag ito ng mga sumusunod na gabay na dapat sundin ng mga hukuman bago ideklara ang isang tao bilang pugante:

1. Pagkatapos makakita ng probable cause, maglalabas ang hukuman ng warrant of arrest.

2. Dapat ipatupad ang warrant of arrest, kabilang ang e-warrant, sa loob ng 10 calendar days mula sa pagtanggap nito ng executing officer.

3. Kung hindi maipatupad ang warrant of arrest dahil ang akusado ay nasa labas ng hurisdiksiyon ng Pilipinas ayon sa return ng executing officer, maaaring ideklara ng akusado bilang pugante sa pamamagitan ng isang mosyon o sariling kusa ng hukuman, matapos suriin ang mga pangyayari sa kaso. Mula sa puntong ito, mawawala ang kanyang legal standing sa hukuman, hindi na siya maaaring lumahok sa mga pagdinig, at hindi na makakahingi ng anumang judicial relief. Maibabalik lang niya ang kanyang legal standing sa pamamagitan ng kusang pagsuko.

4. Ang warrant of arrest na hindi personal na naigawad sa akusado dahil nasa labas siya ng hurisdiksiyon ng Pilipinas ay mananatiling may bisa hanggang sa tuluyan itong maipatupad.

5. Ia-archive lamang ang kasong kriminal kung nananatiling at large o nakapuga ang akusado nang anim na buwan mula sa petsa ng pag-isyu ng warrant of arrest o paglikha ng e-warrant. Pero maaaring muling buksan ang kaso kapag naipatupad na ang warrant of arrest o kapag naabisuhan ang hukuman na ang taong saklaw ng warrant ay naaresto sa ilalim ng ibang warrant.

Nag-ugat ang kasong ito mula sa mga reklamong carnapping, paglabag ng Public Service Act at grave coercion na inihain laban kay Ricardo V. Yanson, Jr. (Yanson), na Bise Presidente ng Maintenance ng Vallacar Transit, Inc. (VTI).

Umalis si Yanson noong Marso 7, 2020 matapos maisampa ang Information para sa carnapping noong Marso 4, 2020 at bago maisampa ang mga kaso para sa grave coercion at paglabag ng Public Service Act noong Hunyo 9, 2020.

Sa petisyong inihain ni Yanson sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, nakakuha ito ng paborableng pasya mula sa Regional Trial Court (RTC) of Bacolod City na nagsuspinde sa pag-usad ng kasong kriminal para sa grave coercion na isinampa laban sa kanya sa Municipal Trial Court in Cities (MTCC) dahil may nakabinbin pang intra-corporate dispute. Kwinestiyon ng VTI ang pagpapasyang ito ng RTC sa SC.

Sinabi ng Korte Suprema na kapag idineklarang pugante sa batas ang isa akusado, hindi na siya karapat-dapat na makakuha ng anumang judicial relief, bilang eksepsyon sa dating hatol ng korte.

Sa naunang kaso ng Miranda v. Tuliao, pinahihintulutan ang korte na pagbigyan o tanggihan ang mga hinihiling na relief ng isang akusadong wala sa pisikal na kustodiya nito ngunit nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng korte dahil siya mismo ay lumahok sa kaso at humiling ng mga affirmative relief.

Pero sinabi ng Korte Suprema na sa ilalim ng desisyong ito, walang kasiguraduhan na ang anumang hatol ay maaaring maipatupad sa isang pugante sa batas.

Bilang eksepsyon sa desisyon sa kaso ng Miranda, idineklara ng Korte Suprema na hindi magkakaroon ng hurisdiksyon ang korte sa isang akusado na pugante sa batas sa simpleng paghahain nito ng mga papel o pakikilahok sa kaso sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

Ginamit ng Korte Suprema ang fugitive disentitlement doctrine, isang doktrinang nagmula sa Estados Unidos na hindi binibigyan ng mga relief ang isang pugante mula sa korteng ang awtoridad ay siya mismong kanyang tinatakasan.

Base sa kabuuan ng mga pangyayari, nakita ng Korte Suprema ang intensyon ni Yanson na takasan ang pagpapatupad ng batas at mga proseso ng hukuman, gaya ng kanyang pag-alis sa bansa, at ang hindi niya pagbalik at pagsuko kahit alam niyang mayroong nakabinbin na kasong kriminal laban sa kanya at may mga Information na inihain laban sa kanya bago pa man sya umalis ng Pilipinas.

Ibinalik ng Korte Suprema ang kaso sa MTCC para gamitin nito ang panuntunan para tukuyin kung hindi kayang maipatupad ang warrant of arrest dahil nasa labas pa ng hurisdiksyon ng Pilipinas si Yanson, at ideklara siyang pugante na hindi maaaring humiling ng judicial relief sa korte.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156092

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/259337-vallacar-transit-inc-and-nixon-banibane-vs-ricard-v-yanson-jr/

Basahin ang Sumasang-ayon at Hindi Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/259337-concurring-and-dissenting-opinion-senior-associate-justice-marvic-m-v-f-leonen/

Basahin ang Sumasang-ayon at Hindi Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at https://sc.judiciary.gov.ph/259337-concurring-and-dissenting-opinion-associate-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Tandayag vs. Magsaysay Maritime Corp; GR No. 256183Nagpasya ang   na may hurisdiksyon lang ang mga voluntary arbitrator ...
28/11/2025

Tandayag vs. Magsaysay Maritime Corp; GR No. 256183

Nagpasya ang na may hurisdiksyon lang ang mga voluntary arbitrator sa isang labor dispute kapag ang parehong partido ay malinaw na sumang-ayon dito. Hindi sapat ang pagsang-ayon ng isang partido kung patuloy na tumututol ang isa.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, nagpasya ang Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema na walang awtoridad na resolbahin ng panel ng mga voluntary arbitrator (panel) ang mga monetary claim ni Benjie Y. Tandayag (Tandayag) laban sa Magsaysay Maritime Corporation (Korporasyon). Sa halip, nasa Labor Arbiter ang hurisdiksyon.

Si Tandayag ay isang seafarer na kinuha ng Korporasyon para sa isa sa mga barko nito. Habang nasa barko, nagtamo siya ng pinsalang may kinalaman sa trabaho na nauwi sa kanyang pagkakaroon ng permanenteng kapansanan. Walang umiiral na collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan niya at ng Korporasyon.

Nang tumanggi ang Korporasyon na bayaran ang kanyang disability benefit at iba pang kaugnay na mga benepisyo, nagsampa siya ng kaso sa National Conciliation and Mediation Board na isinangguni sa isang panel ng mga voluntary arbitrator.

Pumasok ang mga partido sa isang submission agreement para isumite ang usapin sa panel ng mga voluntary arbitrator. Gayunman, iginiit ng Korporasyon na walang hurisdiksiyon ang panel sa mga monetary claim. Hindi sumang-ayon ang panel at sinabing isinuko ng Korporasyon ang karapatang kuwestiyunin ang hurisdiksiyon nito nang lagdaan nito ang submission agreement. Sa huli, nagpasya ang panel pabor kay Tandayag.

Kwinestiyon ng Korporasyon ang desisyon sa Court of Appeals (CA) na nagpasya na ang Labor Arbiter at hindi ang mga voluntary arbitrator ang may hurisdiksiyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng CA. Nakasaad sa Labor Code na ang mga money claim na nagmumula sa employer-employee relationship ay dapat ihain sa Labor Arbiter, isang tuntunin na nakasaad din sa RA 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act para sa mga claim ng overseas Filipino workers.

Ang mga voluntary arbitrator naman ay humahawak ng mga hindi pagkakasundo na may kinalaman sa mga CBA, mga polisiya ng kompanya, at iba pang usaping pinagkasunduan ng parehong panig na isumite sa kanila.

Sa kasong ito, walang CBA pero umasa sina Tandayag at ang panel sa submission agreement ng mga partido.

Gayunpaman, ipinapakita ng rekord na maagap at paulit-ulit na tinutulan ng Korporasyon ang awtoridad ng mga voluntary arbitrator. Sa katunayan, hiniling pa nitong resolbahin muna ang isyu ng hurisdiksiyon at iginiit na sa Labor Arbiter dapat dalhin ang kaso.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na hindi nangangahulugang tinanggap ng Korporasyon ang hurisdiksiyon ng mga voluntary arbitrator sa submission agreement dahil malinaw itong tumutol mula pa sa simula.

Dagdag pa ng Korte Suprema, bagama’t hinihikayat ang voluntary arbitration, dapat ay malinaw at walang pasubali na pumayag ang parehong partido sa alitan na mapasailalim sa voluntary arbitrator. Hindi sapat ang pagpapasakop sa arbitrasyon ng isang panig kung palagi namang tumututol ang kabila.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156011.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156005.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/11/2025

This law office began as a vision, shaped by sleepless nights, strengthened by perseverance, and made possible by those who never stopped believing.

Thank you for joining us as we blessed this space and dedicated it to service.

Ligot vs Republic; GR Nos: 257827, 257940, 258109, 259593The   has ruled that wealth acquired by a public officer during...
22/11/2025

Ligot vs Republic; GR Nos: 257827, 257940, 258109, 259593

The has ruled that wealth acquired by a public officer during their time in office that clearly exceeds their lawful income is presumed unlawfully acquired and may be forfeited, even if registered under the names of other individuals.

In a Decision written by Associate Justice Japar B. Dimaampao, the SC’s Third Division upheld the forfeiture of properties, bank deposits, and investment accounts in the name of retired Lieutenant General Jacinto C. Ligot (General Ligot), as well as assets traced to him but registered under his wife, children, and relatives.

The Ombudsman conducted a lifestyle investigation on General Ligot—who served in the Armed Forces of the Philippines from 1970 until his retirement in 2004, and was a commissioned comptroller during the relevant period—to determine whether the properties he acquired during active service exceeded his salary and other lawful income.

Its probe into General Ligot’s declared assets in his Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth from 1982 to 2003, which did not reflect the actual properties under his name and those of his close family members, led to a petition for forfeiture filed against him before the Sandiganbayan. Also named in the petition were his wife, their children, and his sister and brother-in-law, who were allegedly used as fronts to conceal his assets.

The Sandiganbayan ordered the forfeiture of the properties worth PHP 102 million as well as deposits and investment funds amounting to PHP 53 million after finding that the same were unlawfully acquired.

The SC upheld the Sandiganbayan’s ruling, noting that General Ligot’s wife and children did not have independent income sources but still owned properties and held significant bank and investment accounts under their names.

Regarding the condominiums, even though they were titled in his sister’s name, the amortizations were paid by General Ligot. The condominium listed under his brother-in-law’s name was initially bought by General Ligot’s wife, who lacked her own income.

The SC held that these circumstances indicate that General Ligot was the true owner, even if the legal titles were in other people’s names.

Under Republic Act No. 1379, properties of public officers are presumed to be illegally acquired when they are manifestly out of proportion to their lawful income.

This presumption applies not only to properties under the public officer’s name but also to those hidden or transferred to others, as long as true ownership can be traced to the public officer.

The SC emphasized that registration under another person’s name does not prevent forfeiture when true ownership can be traced to the public officer.

Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=155660.

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=155651.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

People vs. ###262846; GR No 262846Iginiit ng   na kapag ang isang akusado ay inapela ang hatol sa kasong kriminal, ang b...
21/11/2025

People vs. ###262846; GR No 262846

Iginiit ng na kapag ang isang akusado ay inapela ang hatol sa kasong kriminal, ang buong kaso ay muling bubuksan na nagpapahintulot sa korte na suriin ang lahat ng aspeto nito at magpataw ng mas mabigat na parusa.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., tinanggihan ng En Banc ng Korte Suprema ang apela na inihain ni ###. Hinatulan siyang guilty ng Korte sa panggagahasa at tangkang panggagahasa sa halip na unjust vexation at siya ay pinatawan ng mas mabigat na parusa.

Taong 2013 nang unang abusuhin ng kanyang ama na si ### ang noo’y 16 taong gulang na babae. Hindi siya nakapalag. Pero sa ikalawang pagkakataon, nakapanlaban sya nang magtangkang pumatong ang ama sa kanya.

Guilty sa panggagahasa ang hatol ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) kay ### para sa unang insidente ngunit hinatulan lamang siya ng unjust vexation para sa pangalawang insidente.

Kinatigan ng Korte ang hatol kay ### para sa unang insidente dahil naroroon ang lahat ng elemento ng panggagahasa. Ang panggagahasa sa ilalim ng Article 266-A(1)(A) ng Revised Penal Code ay ginagawa kapag ang isang lalaki ay nakipagtalik sa isang babae sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot.

Pero sa pangalawang insidente, hindi sumang-ayon ang Korte sa RTC at CA at sinabing napatunayang nagkasala si ### sa tangkang panggagahasa na may mas mabigat na parusa kaysa sa unjust vexation. Ang ginawa ni ### na nakalabas ang ari at sinubukang patungan ang biktima ay nagpapahiwatig na sinadya niyang halayin ito.

Sa pagpataw ng mas mabigat na parusa sa akusado, inabandona ng desisyong ito ang naunang doktrina sa People v. Balunsat na nagbabawal sa isang nagsusuri na hukuman na taasan o dagdagan ang parusa sa apela upang protektahan ang akusado mula sa double jeopardy.

Sa 2010 na kaso ng People v. Balunsat, sinabi ng Korte na hindi na nito marerepaso ang desisyon ng CA na i-downgrade ang conviction mula sa tangkang panggagahasa patungo sa acts of lasciviousness dahil ito ay katumbas sa pagpapawalang-sala sa mas seryosong kaso. Binigyang-diin nito na ang pagpapawalang-sala ay kaagad na pinal at hindi maaaring iapela.

Sa kasalukuyang kaso, sinabi ng Korte na ang Balunsat ay hindi tama sa paggamit ng karapatan ng akusado laban sa double jeopardy. Kapag ang akusado ay nag-apela ng isang hatol, isinusuko niya ang karapatang ito at binubuksan ang buong kaso para sa pagsusuri, kabilang ang posibilidad ng pagpataw ng mas mabigat na parusa.

Si ### ay pinatawan ng maximum na 40 taon na pagkakakulong para sa panggagahasa at hanggang 12 taon naman para sa tangkang panggagahasa. Inutusan din siyang magbayad ng PHP 300,000 bilang danyos.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://tinyurl.com/4nkwwe5c.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/3pmbffmt.


Bonbon vs. People; GR 272844The 15-year prescriptive period for Bigamy starts commences at the time of the DISCOVERY of ...
19/11/2025

Bonbon vs. People; GR 272844

The 15-year prescriptive period for Bigamy starts commences at the time of the DISCOVERY of the bigamous marriage, not on the date of its registration.

12/11/2025
We’re excited to announce that we’ll soon be opening our newest branch at Jafer Place Building, Eisenhower St., North Gr...
24/05/2025

We’re excited to announce that we’ll soon be opening our newest branch at Jafer Place Building, Eisenhower St., North Greenhills, San Juan City.

Follow us for more updates: facebook.com/share/1ahPJKDLik/?mibextid=wwXIfr

Address

Jafer Place, Unit 406, #19 Eisenhower Street Greenhills, San Juan City

1504

Telephone

+639084075000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aguirre Law Office - Greenhills, San Juan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Law Practice?

Share