CG Tandiama- Genilan Law Office

CG Tandiama- Genilan Law Office CORPORATE AND BUSINESS LAW

14/08/2026
14/08/2026

The has ruled that employees who are illegally dismissed are entitled not only to full backwages but also to the remittance of their Social Security System (SSS) contributions.

In a Decision written by Associate Justice Maria Filomena D. Singh, the SC’s Third Division held that an employer’s obligation to remit SSS contributions continues during the period covered by an employee’s illegal dismissal.

The case involved four employees of Lopez Sugar Corporation (LSC) who were illegally dismissed. LSC was ordered to reinstate them to their former positions and pay them full backwages. After the ruling became final, the employees asked LSC to remit their SSS contributions for the period covered by their backwages so they could qualify for retirement benefits.

LSC refused, arguing that under the 𝘚𝘰𝘀π˜ͺ𝘒𝘭 𝘚𝘦𝘀𝘢𝘳π˜ͺ𝘡𝘺 𝘈𝘀𝘡 𝘰𝘧 1997, its obligation to pay SSS contributions ended upon the employees’ separation from employment, regardless of whether their dismissal was legal or illegal.

The Social Security Commission (SSC) rejected LSC’s position and ordered it to pay the contributions. The SSC ruled that because the employees were illegally dismissed, the employer-employee relationship was deemed to have continued during the period they were prevented from working.

Holding that LSC remained obligated to remit the employees’ SSS contributions for the period covered by their backwages, the SC stated that under Article 294 of the π˜“π˜’π˜£π˜°π˜³ 𝘊𝘰π˜₯𝘦, illegally dismissed employees are entitled to full backwages and other benefits.

The SC explained that such employees are considered to have remained employed during the period covered by their backwages and are therefore entitled to the rights and benefits that would have accrued during that period.

Since LSC failed to remit the illegally dismissed employees’ social security contributions, the SC held that LSC is liable to pay a penalty thereon of three percent per month, reckoned from the date they became due until full payment.

Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=170676.

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165713.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

14/08/2026

Nagpasya ang na ang mga empleyado na ilegal na tinanggal sa trabaho ay may karapatan hindi lamang sa buong 𝘣𝘒𝘀𝘬𝘸𝘒𝘨𝘦𝘴 kundi maging sa paghuhulog ng kanilang mga kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, nagpasya ang Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na nagpapatuloy ang obligasyon ng employer na maghulog ng kontribusyon ng kawani nito sa SSS sa loob ng panahong saklaw ng ilegal na pagkakatanggal sa kawani.

Apat na manggagawa ang ilegal na tinanggal sa trabaho ng Lopez Sugar Corporation (LSC). Inatasan ng National Labor Relations Commission ang LSC na ibalik ang apat sa kanilang dating mga posisyon at bayaran sila ng buong 𝘣𝘒𝘀𝘬𝘸𝘒𝘨𝘦𝘴 . Nang maging pinal na ang desisyon, hiniling ng mga empleyado sa LSC na ihulog ang kanilang mga kontribusyon sa SSS para sa panahong saklaw ng kanilang 𝘣𝘒𝘀𝘬𝘸𝘒𝘨𝘦𝘴 para maging kwalipikado sila sa mga benepisyo sa pagreretiro.

Tumanggi ang LSC at iginiit na sa ilalim ng 𝘚𝘰𝘀π˜ͺ𝘒𝘭 𝘚𝘦𝘀𝘢𝘳π˜ͺ𝘡𝘺 𝘈𝘀𝘡 𝘰𝘧 1997, natatapos ang obligasyon nitong maghulog ng mga kontribusyon sa SSS sa oras na matigil ang pagtatrabaho ng mga empleyado, anuman ang dahilan o legalidad ng kanilang pagkakatanggal sa trabaho.

Isinantabi ng Social Security Commission (SSC) ang posisyon ng LSC at inatasan itong bayaran ang mga nasabing kontribusyon. Ayon sa SSC, dahil ilegal ang pagkakatanggal sa mga empleyado, itinuturing na nagpatuloy ang relasyon ng employer at empleyado sa panahong hindi sila nakapagtrabaho dahil sa kanilang ilegal na pagkakatanggal.

Sa pagpapatibay na nanatiling obligado ang LSC na ihulog ang mga kontribusyon ng mga empleyado sa SSS para sa panahong saklaw ng kanilang 𝘣𝘒𝘀𝘬𝘸𝘒𝘨𝘦𝘴, sinabi ng Korte Suprema na sa ilalim ng 𝘈𝘳𝘡π˜ͺ𝘀𝘭𝘦 294 ng π˜“π˜’π˜£π˜°π˜³ 𝘊𝘰π˜₯𝘦 ay may karapatan ang mga empleyadong ilegal na tinanggal sa trabaho sa buong 𝘣𝘒𝘀𝘬𝘸𝘒𝘨𝘦𝘴 at iba pang mga benepisyo.

Paliwanag ng Korte Suprema, itinuturing na nagpapatuloy ang pagtatrabaho ng mga nasabing empleyado sa panahong saklaw ng kanilang 𝘣𝘒𝘀𝘬𝘸𝘒𝘨𝘦𝘴. Dahil dito, may karapatan sila sa benepisyong dapat na naipagkaloob sa kanila sa panahong iyon.

Dahil nabigo ang LSC na ihulog ang mga kontribusyon sa 𝘴𝘰𝘀π˜ͺ𝘒𝘭 𝘴𝘦𝘀𝘢𝘳π˜ͺ𝘡𝘺 ng mga empleyadong ilegal na tinanggal sa trabaho, pinanagot ito ng Korte Suprema sa pagbabayad ng tatlong porsiyentong multa bawat buwan sa mga naturang kontribusyon.

Basahin ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘳𝘦𝘭𝘦𝘒𝘴𝘦 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=170676.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165713.

Sumunod sa 𝘊𝘳𝘦π˜₯π˜ͺ𝘡 𝘈𝘡𝘡𝘳π˜ͺ𝘣𝘢𝘡π˜ͺ𝘰𝘯 π˜—π˜°π˜­π˜ͺ𝘀𝘺 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


17/07/2026
17/07/2026

Photocopy is a duplicate original βš–οΈ

17/07/2026

DOJ Raises Standard for Filing Criminal Cases

Justice Secretary Fredderick Vida said the reform aims to ensure prosecutors are "trial-ready," adding, "By the time a case reaches the courts, the evidence should already be complete."

17/07/2026

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang β€œFacebook Messenger Account… na maaaring makita ng sinuman (set to public view).” Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong β€œICT,” malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

Address

Quezon City
1107

Opening Hours

Monday 6pm - 10pm
Tuesday 6pm - 10pm
Wednesday 6pm - 10pm
Thursday 6pm - 10pm
Friday 6pm - 10pm
Saturday 9am - 3pm
Sunday 9am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CG Tandiama- Genilan Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share