28/12/2020
SKYWAY STAGE 3, SOFT OPENING NA BUKAS; TOLL, LIBRE NANG ISANG BUWAN
Magbubukas na ang Skyway Stage 3 bukas, pahayag ng president at COO ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang ngayong Lunes.
May habang 17.9 kilometers, ang Skyway Stage 3 ay kumokonekta sa Northern at Southern Luzon—maaari nang tawirin ang kalakhan ng Metro Manila nang hindi dumadaan sa EDSA. Sinimulan ang konstruksyon nito noong 2014.
"I am pleased to announce the partial opening tomorrow, December 29, of our 18-km Skyway Stage 3, for free to motorists for one month. By January 14, we can all enjoy the full benefits of this engineering marvel," pahayag ni Ang bago pasalamatan ang administrasyong Duterte para sa pagsuporta nito sa kumpanya tungo sa pagtatapos ng proyekto.
Dahil sa proyekto, maaari nang pumuntang SLEx galing NLEx sa loob lamang ng 20 minuto, mula sa dating tatlong oras. (📷: Ramon Ang)
BASAHIN: Skyway Stage 3 to ‘soft-open’ in December; free toll for one month —SMC http://bit.ly/3o7ST94