20/01/2026
TUESDAY TRUTH: HINDI NAWAWALA ANG ANNOTATION SA "DASAL" O "PASENSYA" LANG. ⚖️⏳
Maraming tumatawag sa opisina, ang sabi: "Attorney, 1988 pa yung sunog sa QC Hall. 2026 na ngayon. Lampas 30 years na, bakit kailangan ko pa ng Lawyer para tanggalin yung Section 7?"
Ang Masakit na Katotohanan: Kahit abutin pa ng 100 years, hindi po yan kusang binubura ng Registry of Deeds. Ang batas (R.A. 26) ay malinaw—kailangan ng Court Order para ma-cancel ang annotation na 'yan.
Para itong "expired" na utang na nakasulat pa rin sa record mo. Hangga't hindi nabubura: 🚫 Hindi mo ma-lo-loan ang property sa maximum value. 🚫 Magdadalawang-isip ang mga seryosong buyers. 🚫 "Clouded" o madumi ang record ng iyong lupa.
Huwag hayaang maging "frozen asset" ang property mo sa Quezon City.
Sa tagal ko na pong naglalakad ng mga kaso sa QC Regional Trial Courts, alam ko na ang pinakamabilis at tamang paraan para linisin ang titulo niyo.
Tuesday Task: Kuhanin ang folder ng titulo. Tignan ang likod. Kung may nakita kang "Section 7 R.A. 26," huwag mo nang hintaying mag-2027. Aksyunan na natin ngayon.
📩 DM me or viber at 09665441602 for a quick assessment. Isang picture lang ng titulo, sasabihin ko sa'yo ang susunod na gagawin.