30/04/2026
For the longest time
ginagawa mo na yan.
Same routine.
Same effort.
Same results.
Tanong lang,
May nabago ba?
May umangat ba?
May natupad ba sa mga goal mo?
Kung wala,
hindi yan sipag ang kulang.
Kulang ka sa decisive move.
Kasi sa realidad,
hindi problema ang opportunity.
Nandiyan yan.
Lumilitaw yan.
Ang problema
iniiwasan mo kapag may kasamang risk.
Gusto mo sigurado.
Gusto mo malinaw.
Gusto mo safe.
Pero ganito talaga yan:
Magkasama ang opportunity at risk.
Yung opportunity na kayang mag-angat sayo
hindi yan komportable.
May kasamang kaba,
alinlangan,
at posibilidad na magkamali.
Kaya maraming nananatili sa parehong level
hindi dahil walang chance,
kundi dahil hindi sila gumalaw.
Ngayon eto yung tanong na dapat mong harapin
“What if?”
What if yung opportunity na tinanggihan mo noon,
yun na sana yung turning point mo?
What if yung risk na iniiwasan mo,
yun pala yung magbubukas ng mas malaking pinto?
At what if,
habang naghihintay ka ng tamang oras,
may ibang taong mas handang sumugal
ang kumukuha ng buhay na para sana sayo?
Minsan,
hindi mo kailangan ng mas maraming plano.
Kailangan mo ng lakas ng loob
para magdesisyon.
Isang galaw.
Isang risk.
Isang commitment.
Doon nagsisimula ang pagbabago.
Hindi lahat ng risk panalo
pero lahat ng panalo,
nagsimula sa risk.
Kaya kung may opportunity sa harap mo ngayon
Huwag mo nang patagalin.
Baka yan na yung sagot
sa mga “what if” mo.
Tuloy ka lang, kapatid.
Pero this time
piliin mong sumugal.
💎