Provincial Legal Extension Services Program - PLESP

Provincial Legal Extension Services Program - PLESP Offers legal support and essential amenities to the local governing units and people of Palawan

27/08/2026
PLESP sa Bayan ng San VicenteAgosto 18–19, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman ng mga tagapagpatupa...
20/08/2026

PLESP sa Bayan ng San Vicente
Agosto 18–19, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman ng mga tagapagpatupad ng batas sa lokal na antas, isinagawa ang Provincial Legal Orientation Seminar on Law and Enforcement noong Agosto 18, 2026 sa pangunguna ni Acting Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, matagumpay na naisakatuparan ang seminar at orientation na nilahukan ng mga kawani ng Municipal Public Safety and Enforcement Program (MPSEP) ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente.

Pinasinayaan ang programa nina Municipal Mayor Ramir Rodriguez Pablico at Sangguniang Bayan Member Rowell C. Molo, na nagpaabot ng kanilang mensahe at suporta sa mga kalahok at sa layunin ng aktibidad.

Tinalakay sa nasabing orientation ang mahahalagang batas na nagsisilbing gabay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin patungkol sa pangangalaga sa kapaligiran:

• P.D. No. 705 — Revised Forestry Code of the Philippines
• R.A. 9003 — Ecological Solid Waste Management Act of 2000
• R.A. 9175 — Chain Saw Act of 2002
na ibinahagi ng Provincial Council for Sustainable Development o PCSD sa pamamagitan nina Atty. Caroline Legaspino, Atty. Ria Gabinete, at Atty. Jan Vemer Ponce de Leon.

Tinalakay din ang:
• R.A. 8749 — Philippine Clean Air Act at
• R.A. 9275 — Philippine Clean Water Act
na ibinahagi naman ni Atty. Ariel A. Abis ng Provincial Legal Office.

Binigyang-diin sa seminar na sapat na kaalaman sa batas ang susi sa maayos at tapat na pagtupad sa kanilang mandato.
Sa pamamagitan ng mga talakayan, inaasahang lalo pang mapauunlad ang kanilang kakayahang ipatupad ang mga ordinansa at batas lalo na sa pangangalaga ng kalikasan, pagpapanatili ng kaayusan, at paghahatid ng mas mahusay na serbisyo publiko.

Sa ikalawang araw, nagsagawa naman ng Libreng Legal Konsultasyon, Paggawa ng Sinumpaang Salaysay (Affidavit), at Libreng Serbisyong Notaryo para sa mga mamamayan ng San Vicente. Sa kabuuan, 74 na kliyente ang nakinabang sa nasabing aktibidad.

Kasama ang Integrated Bar of the Philippines-Palawan Chapter (IBP - Palawan) naglaan ng kanilang oras at libreng serbisyo ang mga sumusunod na abogado: Atty. Rolando Ba-alan, Atty. Pen Angelo Rombo, Atty. Elgieraydolph Buison, Atty. Ira A. Dela Rosa, Atty. Roky Dayoan, Atty. Caroline A. Legaspino, Atty. Ria Lynne Gabinete, Atty. Jan Vemer Ponce de Leon, at Atty. Ariel Abis ng Provincial Legal Office.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, Provincial Legal Office, Integrated Bar of the Philippines, at iba pang katuwang na ahensya, patuloy na inilalapit ang kaalaman sa batas at libreng serbisyong legal sa taumbayan. ⚖️🤝

20/08/2026
PLESP in San Vicente, Palawan
20/08/2026

PLESP in San Vicente, Palawan

20/08/2026
BGY. CULANDANUM, BATARAZA, PALAWAN | Agosto 11, 2026 Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng p...
13/08/2026

BGY. CULANDANUM, BATARAZA, PALAWAN | Agosto 11, 2026

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Amy Roa Alvarez, isinagawa ng Provincial Legal Office (PLO), sa pamamagitan ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP), ang outreach activity sa Barangay Culandanum, Bataraza, Palawan, katuwang ang mga volunteer lawyers mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Palawan Chapter na sina Atty. John Mark Caralipio, Atty. Elisa N. Pua, Atty. Ann Karen Pampo, Atty. Ma. Geonette Dela Chica, at Atty. Maria Kathrina Obrero-Badua sa pangunguna ni Acting Provincial Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara at Atty. Mae Joyce Magbanua-Anjalin, Attorney IV.

Layunin ng aktibidad na mailapit mismo sa mga residente ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan, kabilang ang legal assistance, libreng affidavit at notaryo, upang mabawasan ang pangangailangang bumiyahe pa patungo sa sentrong bayan para lamang makakuha ng kinakailangang serbisyo.

Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng welcome message si Mr. John Rey C. Baylon, PDO II at MOO-Bataraza Team Leader ng 4Ps-DSWD. Nagpaabot din ng mensahe si Barangay Chairman Edmundo B. Oghayon, bilang pagpapakita ng suporta ng barangay sa mga programang naglalayong mapabuti ang access ng kanilang mga residente sa serbisyo ng pamahalaan.

Sa isinagawang outreach, nakapagsilbi ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa 228 indibidwal, habang 80 naman ang nabigyan ng Legal Advice at 52 ang napagkalooban ng libreng Affidavit/Notaryo. Samantala, 54 partisipante ang dumalo sa seminar/orientation na naglalayong dagdagan ang kanilang kaalaman sa batas, mga karapatan at responsibilidad, at mga hakbang na maaaring gawin sa pagharap sa iba't ibang legal na usapin.

Ang aktibidad sa Culandanum ay bahagi ng patuloy na programa ng PLO-PLESP na maghatid ng legal education, libreng legal assistance, libreng affidavit, notaryo, at iba pang serbisyo ng pamahalaan sa mga barangay, lalo na sa mga komunidad na may limitadong access sa mga pangunahing serbisyo.

BATARAZA, PALAWAN | Agosto 10, 2026  Matagumpay na nagsagawa ang Provincial Legal Office (PLO), sa pamamagitan ng Provin...
13/08/2026

BATARAZA, PALAWAN | Agosto 10, 2026

Matagumpay na nagsagawa ang Provincial Legal Office (PLO), sa pamamagitan ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP), ng legal orientation at libreng serbisyong legal sa Barangay Sandoval, Bataraza, Palawan, bilang tugon sa kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Municipal Operations Office (MOO) ng Bataraza.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni Acting Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, kasama si Atty. Mae Joyce Magbanua-Anjalin, Attorney IV, upang mapalawak ang kaalaman ng mga residente, partikular ng mga benepisyaryo ng 4Ps at mga opisyal ng barangay, hinggil sa mga batas na naglalayong protektahan ang kababaihan at mga bata laban sa karahasan at pang-aabuso.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa orientation ang Republic Act No. 11596, o batas na nagbabawal sa child marriage, at Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. Layunin ng talakayan na palakasin ang kamalayan ng komunidad hinggil sa mga ipinagbabawal na gawain, kaukulang pananagutan at parusa sa ilalim ng batas, gayundin ang mahalagang papel ng mga magulang, barangay officials at iba pang miyembro ng komunidad sa pangangalaga at proteksyon sa mga bata at kababaihan.

Sa pagsisimula ng programa, nagbigay ng welcome message si Mr. John Rey C. Baylon, PDO II at MOO-Bataraza Team Leader ng 4Ps-DSWD, habang nagpaabot naman ng mensahe si Jenevie A. Bungsod, Committee on Livelihood.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga IBP volunteer lawyers na sina Atty. John Mark Caralipio at Atty. Elisa N. Pua, na naglaan ng kanilang panahon at kaalaman upang makapagbigay ng legal assistance sa mga residente ng komunidad.

Bukod sa legal orientation, inilapit din sa mga residente ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan. Umabot sa 157 ang nabigyan ng serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA), habang 38 naman ang napagkalooban ng libreng Affidavit at 46 ang nabigyan ng libeng legal Advice. Samantala, 62 kalahok ang dumalo sa isinagawang legal seminar.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng Provincial Legal Office sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Governor Amy Roa Alvarez, na naglalayong mailapit ang libreng serbisyong legal at legal education sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa mga serbisyo ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng PLESP, at sa pakikipagtulungan sa DSWD, Integrated Bar of the Philippines (IBP) at iba pang katuwang na ahensya, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Amy Roa Alvarez ang access to justice, proteksyon sa karapatan, at pagpapalawak ng kamalayan sa batas para sa bawat Palawenyo.

13/08/2026
13/08/2026

PLESP LIVE

12/08/2026

Address

Provincial Capitol Rizal Avenue Puerto Princesa City
Palawan
5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Legal Extension Services Program - PLESP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Provincial Legal Extension Services Program - PLESP:

Shortcuts

Share

Category