Santa Juana De Cusa

Santa Juana De Cusa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Santa Juana De Cusa, Legal, Marikina City.

~ Viva! Señor Sto. Niño de Marikina ~As the feast of the beloved child Jesus approaches, we continue to love and serve t...
29/12/2025

~ Viva! Señor Sto. Niño de Marikina ~

As the feast of the beloved child Jesus approaches, we continue to love and serve the altar of the beloved Lord Santo Niño de Marikina, who is recognized as the king of the city of Marikina.

Ctto: ifi sto niño marikina




"PANALANGIN SA INA NG MGA WALANG MAG-AMPON Ave Maria, ikaw ang mapagmahal na Inang kumakalinga sa aming lahat. Ikaw na m...
27/09/2025

"PANALANGIN SA INA NG MGA WALANG MAG-AMPON

Ave Maria, ikaw ang mapagmahal na Inang kumakalinga sa aming lahat. Ikaw na mahabaging INA na kumukupkop sa mga Walang masilungan. Kami ay lumalapit sa iyo, bukod na pinagpalang Ina ng aming Panginoon.

Ikaw ang aming REYNA; pamunuan mo kami sa paglaban sa kasamaan. Ikaw ang aming G**O; papaglinawin mo ang aming isip sa panahong kapos kami sa pang-unawa. Ikaw ang aming ILAW; tanglawan mo kami nang 'di kami maligaw sa dilim. Ikaw ang aming LUNAS; hilumin mo ang sakit ng aming mga kaluluwa at katawan.

Aming Ina, ipagtanggol mo kami sa aming pagkaapi. Aliwin mo kami sa aming hapis. Palayain mo kami sa aming pagkaalipin sa aming mga kahinaan. Inang mapagkawanggawa, ilahad mo ang iyong mga kamay sa mga kapus-palad na nangangailangan ng iyong tulong. Ina ng sangkatauhan, ipanalangin mo kami at akayin sa landas patungo kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

Kami'y iyong ipanalangin, mahabaging Ina ng mga Walang Mag-ampon.


Ang Mak𝐚saysayang Ng Malalim Na pag Dededoyon Sa Nuestra Señora Delos Dolores De Turumba ng  Paquil.Ang debosyon sa Nues...
18/09/2025

Ang Mak𝐚saysayang Ng Malalim Na pag Dededoyon Sa Nuestra Señora Delos Dolores De Turumba ng Paquil.

Ang debosyon sa Nuestra Señora de los Dolores de Turumba de Pakil, o mas kilala bilang Mahal na Ina ng Pitong Hapis ng Turumba, ay isang natatangi at malalim na bahagi ng kasaysayan at kultura ng Pakil, Laguna. Ang sentro ng makulay na pananampalatayang ito ay ang sagradong imahen ng Birheng Maria bilang Ina ng Pitong Hapis, na matatagpuan sa makasaysayang San Pedro de Alcantara Parish Church.

Nagsimula ang kilalang tradisyon ng Turumba noong Setyembre 14, 1788. Ayon sa salaysay, natagpuan ng mga mangingisda ang imahen ng Birhen na nakalutang sa gitna ng Laguna de Bay kasunod ng isang malakas na bagyo. Sa kabila ng pagiging napakabigat nito, na tila hindi kayang buhatin, sa wakas ay nagtagumpay silang mailipat ang imahen patungo sa pampang malapit sa simbahan ng Pakil. Nang makita ito ng mga kababaihan kinabukasan, nagulat sila dahil tuyo ang imahen kahit pa umulan buong magdamag. Sa kanilang pagtatangkang buhatin muli ang imahen, ito ay tila gumalaw o "tumumba," na pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalang "Turumba." Ito ay mula sa ekspresyong Tagalog na "natumba sa laki ng tuwa" dahil sa pagkakita sa imahen.

Ang Turumba ay higit pa sa isang ordinaryong prusisyon. Ito ay isang masigla at natatanging sayaw-prusisyon na isinasagawa tuwing mga espesyal na okasyon, lalo na sa tinatawag na "lupi" o ang pitong araw na pagdiriwang ng kapistahan. Ang mga deboto ay sumasayaw at nagpupugay sa imahen, isang ekspresyon ng kanilang matinding kagalakan, pasasalamat, at paghingi ng mga biyaya. Ito ay nagiging isang kakaibang pagpapahayag ng pananampalataya na pinag-iisa ang galak, pasasalamat, at panalangin.

Ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba ay isang maliit na oil painting sa canvas, na may sukat na humigit-kumulang 9x11 pulgada. Ang mukha ni Maria ay nagpapakita ng malalim na sakit at pagdurusa, na sumasalamin sa kanyang pitong hapis. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon din ng isang mas malaking estatwa o replika ng Birhen na ginagamit sa mga prusisyon. Ang San Pedro de Alcantara Parish Church, na itinayo sa pagitan ng 1732 at 1767, ay ang nagsisilbing puso ng debosyong ito at kinikilala bilang isang Pambansang Yamang Kultural.

Ang debosyon sa Nuestra Señora de los Dolores de Turumba de Pakil ay patuloy na nabubuhay at nananatiling isang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng Pakil. Taun-taon, inaakit nito ang napakaraming deboto at turista, na nagpapatunay sa malalim na pananampalataya ng mga Pilipino at sa inspirasyong hatid ng imahen na ito.



100 days before Christmas
16/09/2025

100 days before Christmas

Santa Juana de Cusa
04/09/2025

Santa Juana de Cusa


paalala, isang araw na lamang ang nabibilang bago ang 2ND JURAMENTO GRAND MARIAN CARU-CARUHAN.LUGAR-SANTA ELENA CHAPELMI...
29/08/2025

paalala, isang araw na lamang ang nabibilang bago ang 2ND JURAMENTO GRAND MARIAN CARU-CARUHAN.

LUGAR-SANTA ELENA CHAPEL
MISA-7:15PM
PRUSISYON-8:00PM

"NATIVITAS MARIAE, AURORA SALUTIS"

Viva La Virgen!



INA NI MARIA KAY HESUS AY LOLA
26/07/2025

INA NI MARIA KAY HESUS AY LOLA


|Mayo 24| Kapistahan ni Santa juana de cusaPanalangin kay Santa Juana de Caza(+) Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Esp...
24/05/2025

|Mayo 24| Kapistahan ni Santa juana de cusa

Panalangin kay Santa Juana de Caza

(+) Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

Santa Juana, lumaki ka sa Galilea at naging asawa ni Cuza, katiwala ni Herodes ng Antipas, tagamahala ng Galilea. Bilang asawa ng isang may katungkulan, ikaw ay isang babaeng maykusang-loob. Isang araw, nakilala mo

si Hesus na ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa Kaharian na walang sinumang Hudyo ang maaaring magturo ng iyon. Ikaw ay naakit sa Kanyang kababaang-loob kaya't ikaw ay sumunod sa Kanya, ang propetang mula sa Nazareth. Kami ay sumasamo sa iyo, mahal naming Santa, na kami'y tulungan upang maging maayos na alagad ng Panginong Hesus. Pagpalain mo nawang aming pananamapalataya nawa ay hindi maging isang kaisipan lamang o isang kultura na aming tinatanggap kundimaging isang personal na pakikipag-usap namin sa Panginoon

Ngayon, isinasamo namin ang aming mga pansariling kahilingan (sandaling katahimikan). Ikaw ay naging malapit sa Panginoon dito sa lupa at mas malapit ka ngayon sa Kanya sa Langit. Ibulong mo sa kanya ang aming mga panalangin. Amen

Santa Juana de Cuza Ipanalangin mkami

HABEMUS PAPAM.Former Cardinal Robert Prevost named His Pontiff as POPE LEO XIV now our Current pope is the 267th POPE LE...
08/05/2025

HABEMUS PAPAM.
Former Cardinal Robert Prevost named His Pontiff as POPE LEO XIV now our Current pope is the 267th POPE LEO XlV Successor of the Catholic Church,



Kapistahan ni Santa Elenaoras ng banal na misa6:00pm at 7:00pm Prusisyun at sagalaan ng mga dalaga. abangan mamaya Ang m...
03/05/2025

Kapistahan ni Santa Elena

oras ng banal na misa
6:00pm at 7:00pm Prusisyun at
sagalaan ng mga dalaga.
abangan mamaya Ang mga kaganapan sa kapistahan ni Santa Elena



Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Juana De Cusa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category