Atty. Alyana Jane G. Bayawa

Atty. Alyana Jane G. Bayawa Mission: To help individuals, families, and businesses address their legal concerns with sound legal guidance.

Disclaimer:The posts and materials shared on this page are for general informational purposes only and do not constitute legal advice.

Hindi na-consummate ang marriage. Ground na ba agad iyon for annulment?Hindi automatic. Ang mahalagang tanong: Bakit hin...
24/09/2026

Hindi na-consummate ang marriage. Ground na ba agad iyon for annulment?

Hindi automatic. Ang mahalagang tanong: Bakit hindi na-consummate?

Under Article 45(5) of the Family Code, puwedeng maging ground for annulment kapag ang isang spouse ay:
“physically incapable of consummating the marriage with the other, and such incapacity continues and appears to be incurable.”

Ibig sabihin, may physical condition na pumipigil sa kanya na makipagtalik sa kanyang asawa, at ang kondisyon ay nagpapatuloy at mukhang hindi na magagamot.

Pero kung physically capable naman siya, pero ayaw lang makipagtalik, ibang usapan iyon.

Sa Chi Ming Tsoi v. Court of Appeals, kinilala ng Supreme Court na ang matagal at walang makatwirang dahilan na pagtanggi ng isang physically capable spouse na makipagtalik ay maaaring may kaugnayan sa psychological incapacity.

Pero tandaan: hindi porke tumatanggi makipagtalik, psychologically incapacitated na agad.

Sa Tan-Andal v. Andal, nilinaw ng Supreme Court na hindi sapat ang simpleng refusal, neglect, o difficulty. Kailangang mapatunayan ang isang tunay at seryosong psychological incapacity na dahilan kung bakit hindi kayang gampanan ng spouse ang mahahalagang obligasyon niya sa marriage.

So, walang s*x sa marriage = automatic annulment?

Hindi.

Ang dahilan kung bakit walang s*xual relations ang mag-asawa, at ang ebidensiyang sumusuporta rito, ang mahalaga.

Every marriage has its own facts. Kaya bago sabihing may ground for annulment, kailangang tingnan muna ang buong circumstances.

Delayed ang turnover ng condo. Maceda Law ba agad ang remedy?Hindi agad.Ang unang tanong ay: sino ang hindi tumupad sa o...
22/09/2026

Delayed ang turnover ng condo. Maceda Law ba agad ang remedy?

Hindi agad.

Ang unang tanong ay: sino ang hindi tumupad sa obligasyon?

Kung ang buyer ang hindi nakabayad ng installments for reasons unrelated sa developer, maaaring pumasok ang Maceda Law or R.A. No. 6552.

Pero kung ang problema ay developer ang hindi nakatapos o hindi nakapag-deliver ng condo ayon sa napagkasunduan at sa applicable completion period, mas direktang applicable ang P.D. No. 957, particularly Sections 20 and 23.

Under Section 23, kapag may failure to complete the project within the required period, the buyer may, after due notice to the developer:
1. suspend further installment payments until the developer complies; or
2. cancel and demand reimbursement of the payments made toward the purchase, subject to the requirements of the law.

Hindi ibig sabihin na basta lumampas ang sinabing “target turnover date,” automatic na may refund na.

Kailangang tingnan ang Contract to Sell, License to Sell, approved plans, applicable completion period, at anumang extension approved by the housing regulator.

Importante rin kung kailan na-grant ang extension. A later extension does not automatically erase rights that had already accrued to the buyer.

Legal basis: Sections 20, 23 and 24, P.D. No. 957; R.A. No. 6552.
Cases: ECE Realty and Development, Inc. v. Hernandez, G.R. No. 212689; Phinma Property Holdings Corp. v. Rivera, G.R. No. 261877, July 16, 2025.

Kapag na-annul ang kasal, illegitimate na ba agad ang mga anak?Hindi.Under Article 54 of the Family Code, ang mga anak n...
14/09/2026

Kapag na-annul ang kasal, illegitimate na ba agad ang mga anak?

Hindi.

Under Article 54 of the Family Code, ang mga anak na conceived or born bago maging final and executory ang judgment of annulment ay mananatiling legitimate.

Ganito rin ang treatment sa mga anak na conceived or born bago maging final ang declaration of absolute nullity under Article 36.

Hindi kasalanan ng mga anak kung may legal defect sa marriage ng kanilang parents.

Pinoprotektahan ng batas ang kanilang civil status, support, inheritance rights, at ibang karapatang kaakibat ng legitimacy.

Legal basis: Article 54, Family Code
For general legal information only.

“Toxic ang asawa ko.” Psychological incapacity na ba iyon?Depende. Ang “toxic” ay pangkaraniwang description, hindi lega...
13/09/2026

“Toxic ang asawa ko.” Psychological incapacity na ba iyon?

Depende.

Ang “toxic” ay pangkaraniwang description, hindi legal ground by itself.

Sa Article 36, kailangang may malinaw na ebidensiya na ang asawa ay “psychologically incapacitated” na gampanan ang essential marital obligations.

Hindi sapat na mahirap siyang pakisamahan, mainitin ang ulo, seloso, controlling, o palaging nakikipag-away. Dapat ang problema ay grave, may pinagmulan bago ang kasal, at bahagi ng durable personality structure na nagiging dahilan para tunay siyang incapable, hindi lang unwilling, na maging asawa.

Sa Tan-Andal v. Andal, nilinaw na legal concept ito, hindi simpleng diagnosis o listahan ng masasamang ugali.

Legal basis: Article 36, Family Code
Case: Tan-Andal v. Andal, G.R. No. 196359, 11 May 2021

Nasa brochure ang pool, gym at ibang amenities ng condo. Pero nang matapos ang project, wala naman.Pwede bang sabihin la...
12/09/2026

Nasa brochure ang pool, gym at ibang amenities ng condo. Pero nang matapos ang project, wala naman.

Pwede bang sabihin lang ng developer na “for illustration purposes only”?

Hindi palaging sapat ang ganyang disclaimer.

Sa ilalim ng P.D. No. 957, ang facilities, improvements at amenities na ipinangako sa brochures, advertisements at sales materials ay maaaring maging enforceable sales warranties.

Sa BPI v. ALS Management, sinabi ng Supreme Court na ang general disclaimer ay maaaring tumukoy sa overall concept o artistic presentation, pero hindi nito awtomatikong binubura ang specific features at amenities na malinaw na ipinangako sa buyer.

Kaya itabi ang brochures, screenshots, emails, presentations at approved plans.

Mahalaga ang mga ito para malaman kung sales promise ba talaga o purely conceptual image lamang.

Legal basis: Section 19, P.D. No. 957
Case: Bank of the Philippine Islands v. ALS Management & Development Corp., G.R. No. 151821, 14 April 2004

Night Shift Ako. May Dagdag Ba Talaga sa Sahod?Kung nagtatrabaho ka mula 10:00 p.m. hanggang 6:00 a.m., maaaring may nig...
09/09/2026

Night Shift Ako. May Dagdag Ba Talaga sa Sahod?

Kung nagtatrabaho ka mula 10:00 p.m. hanggang 6:00 a.m., maaaring may night shift differential ka.

Para sa covered private-sector employees, ang dagdag ay hindi bababa sa 10% ng regular wage para sa bawat oras na pumasok sa period na iyon.

Halimbawa, kung ₱100 ang regular hourly rate at tatlong oras ang pasok mo sa night period, may additional ₱30: ₱100 × 10% × 3 hours = ₱30

Iba pa ito sa overtime pay. Kung ang night work ay overtime din, maaaring parehong pumasok ang applicable overtime premium at night shift differential.

May statutory exclusions, kaya kailangan ding tingnan yung actual position and duties ng employee.

Legal basis: Articles 82 and 86, Labor Code of the Philippines

Nilipat ka sa ibang branch. Constructive dismissal na ba agad?Hindi automatic.May management prerogative ang employer na...
07/09/2026

Nilipat ka sa ibang branch. Constructive dismissal na ba agad?

Hindi automatic.

May management prerogative ang employer na mag-transfer ng employees para sa legitimate business reasons. Karaniwang valid ang transfer kung pareho ang rank, salary, benefits, at substantially equivalent ang trabaho.

Pero maaaring maging unlawful kung ginawa ito dahil sa discrimination, bad faith, punishment, demotion, o para pahirapan kang mag-resign.

Tinitingnan din kung unreasonable, inconvenient, o prejudicial ang
transfer.

Legal basis: Article 294, Labor Code; Automatic Appliances, Inc. v. Deguidoy, G.R. No. 228088, 4 December 2019

May deadline ba sa pag-file ng annulment?Meron, kung annulment under Article 45  of the Family Code ang pinag-uusapan. I...
29/08/2026

May deadline ba sa pag-file ng annulment?

Meron, kung annulment under Article 45 of the Family Code ang pinag-uusapan. Iba-iba ang period depende sa ground:

• Lack of parental consent: within five years after turning 21
• Fraud: within five years after discovery
• Force, intimidation, or undue influence: within five years after it ceased
• Physical incapacity to consummate or serious incurable STD: within five years after the marriage
• Unsound mind: may special periods under Article 47

Pero kung declaration of absolute nullity under Article 36 dahil sa psychological incapacity, the action or defense does not prescribe.

Kaya mahalagang malaman muna kung void ba o voidable ang marriage. Hindi interchangeable ang annulment at declaration of nullity.

Legal basis: Articles 39 and 47, Family Code; Sections 2(c) and 3, A.M. No. 02-11-10-SC

Dalawang taon ka nang nagbabayad ng condo, pero hindi mo na kayang ituloy.Forfeited na ba agad lahat ng binayad mo?Hindi...
24/08/2026

Dalawang taon ka nang nagbabayad ng condo, pero hindi mo na kayang ituloy.

Forfeited na ba agad lahat ng binayad mo?

Hindi.

Kung nakabayad ka na ng installments na katumbas ng at least two years, may proteksiyon ka sa ilalim ng Maceda Law.

Kapag kinansela ang contract dahil sa payment default, entitled ka sa cash surrender value na 50% ng total payments made.

Kasama sa computation ang down payment, deposits, at option payments.

May grace period ka rin na one month for every year of installments paid, without additional interest.

Pero tandaan na bilang ng installments ang tinitingnan, hindi lang kung gaano na katagal mula nang pumirma ka ng contract.

Legal bases:
Sections 3 and 5, Republic Act No. 6552
Gatchalian Realty, Inc. v. Angeles, G.R. No. 202358, 27 November 2013

“Attorney, puwede po ba silang ireklamo sa barangay dahil sa sobrang ingay at videoke hanggang 11PM?”Oo, puwede.May hang...
21/08/2026

“Attorney, puwede po ba silang ireklamo sa barangay dahil sa sobrang ingay at videoke hanggang 11PM?”

Oo, puwede.May hangganan ang paggamit natin ng sarili nating tirahan kapag nakakaistorbo na ito nang hindi makatwiran sa ibang tao, lalo na kung paulit-ulit, gabi na, at ilang beses nang pinakiusapan.

Sa ilalim ng Article 694 of the Civil Code, maaaring maging nuisance ang isang gawain kapag ito ay “annoys or offends the senses” o nakahahadlang sa maayos na paggamit at enjoyment ng property ng iba.

Nilinaw din ng Supreme Court sa Frabelle Properties Corporation v. AC Enterprises, Inc., na hindi lahat ng ingay ay automatic na nuisance. Ang tanong ay kung ang ingay ay unreasonable na at nakaaapekto sa health, comfort, o normal na pamumuhay ng ordinaryong tao sa lugar. Tinitingnan ang oras, lugar, tagal, dalas, at tindi ng disturbance.

May possible criminal aspect din. Sa ilalim ng Article 155(3) of the Revised Penal Code, as amended by R.A. No. 10951, maaaring managot ang isang taong, habang engaged in nocturnal amusements, ay “shall disturb the public peace.” Pero hindi ibig sabihin na bawat videoke sa gabi ay agad nang criminal offense. Kailangan pa ring tingnan ang actual circumstances at ebidensya. Anong puwedeng gawin?

Puwedeng magsampa ng reklamo sa barangay, lalo na kung neighborhood dispute ito. Maaari ring tingnan kung may city, municipal, o barangay ordinance tungkol sa excessive noise, videoke hours, o disturbance of the peace, dahil iba-iba ang ordinansa kada lugar. Sa ilalim ng Katarungang Pambarangay provisions of R.A. No. 7160, maraming disputes sa pagitan ng mga residenteng sakop ng parehong city o municipality ang maaaring dumaan sa barangay mediation, subject sa mga exceptions provided by law.

Para may katibayan, magtabi ng videos or recordings showing the date and time, copies of previous complaints, messages to the landlord, at names of other boarders na naaabala rin. Mas madaling aksyunan ang reklamo kapag malinaw na hindi ito isolated incident.

At tandaan, walang general nationwide rule na automatic na illegal ang videoke pagsapit ng 10PM o 11PM. Ang applicable local ordinance at ang actual level of disturbance ang dapat tingnan.May karapatan tayong mag-enjoy sa sarili nating space, pero may kasama itong obligasyon na igalang din ang pahinga at katahimikan ng ibang tao.

For legal information only. The proper remedy may depend on the facts and the applicable local ordinance.

Address

Manila
1002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Alyana Jane G. Bayawa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share