ARD Law & Notary Public

ARD Law & Notary Public Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ARD Law & Notary Public, Legal Service, Kawit.

ARD LAW & NOTARY PUBLIC

Justice, Honor, and Excellence

ARD LAW - your trusted legal partner committed to upholding your rights and providing solutions to your legal matters. βš–οΈ

05/08/2026

WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA AGOSTO 6

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Benguet
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Zambales
πŸ“ Kalinga
πŸ“ Mountain Province
πŸ“ Ifugao
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Apayao
πŸ“ Nueva Vizcaya
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Bataan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Rizal
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

09/07/2026
04/07/2026
Happy and proud to announce our partnership with LAWndry Matters By SuperMau Laundry Services as they officially open th...
03/07/2026

Happy and proud to announce our partnership with LAWndry Matters By SuperMau Laundry Services as they officially open their doors! πŸ§Ίβš–οΈ

Malinis na labada. Malinaw na payo.
Fresh, clean clothes plus legal services you can count on! βš–οΈ

✨ Notary services is also available!

πŸ“ Visit us at:Blk. 3 Lot 1, Legian 2, Phase E, Cardasang Bago 1, Imus, Cavite.

Wash with us. Know your rights.
Because your laundry and your legal needs matter πŸ©΅πŸ’›

πŸ‡΅πŸ‡­ Ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan πŸ‡΅πŸ‡­Ngayong Hunyo 12, ipinagdiriwang natin ang ika-128 na anibersaryo ng Araw ng Kalay...
12/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong Hunyo 12, ipinagdiriwang natin ang ika-128 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Isang araw para alalahanin ang katapangan, sakripisyo, paninindigan, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani at ninuno.

Ipagdiwang natin ang kalayaan na minsan na nilang ipinaglaban. Panatilihin at pagyamanin ang ating sariling bayan para sa susunod na henerasyon!

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Kalayaan!

Ang ARD Law Office po ay bukas ngayong araw mula 11:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. Maraming salamat po! β™₯οΈπŸ’™πŸ€πŸ’›

24/05/2026

READ: May 24, 2026 Statement of Spokesperson Atty. Camille Sue Mae L. Ting on the release of the Resolution in G.R. No. 278747, Rodrigo Roa Duterte and Senator Ronald β€œBato” M. Dela Rosa v. Hon. Lucas Bersamin, et al. tomorrow.

The Resolution is only on the denial of the temporary restraining order / status quo ante order; no decision yet on the main petition.

LINK: https://sc.judiciary.gov.ph/statement-of-the-supreme-court-spokesperson-may-24-2026/

11/05/2026
07/05/2026

Disbarred o tinanggalan ng lisensya ng ang isang abogado dahil sa paggamit ng pekeng Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) compliance number sa kanyang mga isinumiteng pleading.

Sa isang Per Curiam na Desisyon, tinanggal ng En Banc ng Korte Suprema sa pagka-abogado si Atty. Jose R. Hidalgo (Atty. Hidalgo) dahil sa dishonest conduct o hindi tapat na asal na lumalabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Nagsilbing abogado si Atty. Hidalgo para sa defendant sa isang kaso ng malicious prosecution na nakabinbin sa Branch 153 ng Regional Trial Court (RTC) sa Lungsod ng BiΓ±an. Sa sagot na inihain niya para sa kanyang kliyente, isinama ni Atty. Hidalgo ang kanyang MCLE compliance number na hinihingi sa mga abogado.

Nagsampa ng motion to expunge ang abogado ng nagrereklamo para burahin ang sagot ni Atty. Hidalgo mula sa mga rekord dahil hindi siya sumunod sa mga kahingian ng MCLE. Kalakip ng nasabing mosyon ang isang Sertipikasyon mula sa Tanggapan ng MCLE na nagsasaad na hindi nakadalo sa MCLE si Atty. Hidalgo mula sa unang compliance period hanggang sa kasalukuyan.

Sa pagtanggal ng lisensya ni Atty. Hidalgo, iginiit ng Korte Suprema ang Canon II ng CPRA na nag-aatas sa mga abogado na kumilos nang maayos (propriety) at panatilihin ang imahe ng kaayusan sa personal at propesyunal na pakikipag-ugnayan, maging tapat at magalang, at itaguyod ang dangal ng legal na propesyon alinsunod sa pinakamataas na pamantayan ng etikal na pag-uugali.

Sa ilalim ng Canon III, hinihingi din sa mga abogado na itaguyod ang Konstitusyon, sundin ang mga batas ng lupain, at isulong ang paggalang sa mga batas at prosesong legal.

Sinabi ng Korte Suprema na nilabag ni Atty. Hidalgo ang mga Canon na ito at sinabing ang gawain ng paglalagay ng maling impormasyon sa mga pleading na isinampa niya ay nagpapakita ng bad faith o masamang hangarin at kawalan ng katapatan, at nagpapakita ng lantarang kawalan ng paggalang sa mga hukuman at sa mga panuntunan nito.

Pinatawan si Atty. Hidalgo ng PHP 35,000 na multa para sa willful disobedience o sadyang pagsuway dahil sa hindi pagpansin sa atas ng IBP na magsumite siya ng sagot at isang verified position paper.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164745.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164728.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

Kawit
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ARD Law & Notary Public posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category