RSF Law Office

RSF Law Office Welcome to RSF Law Office, where personalized legal service meets professional expertise.

We are committed to providing dedicated, one-on-one legal representation and tailored legal solutions designed to meet your unique needs.

27/01/2025
26/01/2025

The (SC) has reiterated that being acquitted of a criminal tax violation does not automatically exempt a taxpayer from paying unpaid taxes.

The SC dismissed due to lack of evidence the criminal cases filed by the Office of the Solicitor General against E & D Parts Supply, Inc. and its Treasurer, Margaret L. Uy, for their alleged failure to file the company’s income tax return, and pay income and value-added tax.

The Court of Tax Appeals (CTA) had dismissed the criminal cases due to insufficient evidence proving that Uy was a responsible officer of the company and, therefore, could not be held criminally liable for the company’s actions. Additionally, the CTA dismissed the related civil case that aimed to determine the amount of taxes the company owed.

The SC ruled that a taxpayer’s obligation to pay taxes arises from the law itself, and not from committing a criminal act like tax evasion. Therefore, even if a taxpayer is acquitted of a criminal charge, they remain liable for unpaid taxes.

The company’s acquittal thus did not release it from its obligation to pay the taxes due.

However, the company was not required to pay the assessed tax in this case due to an invalid tax assessment.

Read the press release in full at https://sc.judiciary.gov.ph/sc-acquittal-in-tax-case-does-not-erase-obligation-to-pay-taxes/

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/259284-people-of-the-philippines-vs-e-d-parts-supply-inc-et-al/

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

13/10/2024

Read the latest issue of Benchmark, the official magazine of the Supreme Court Public Information Office, featuring Associate Justice Jhosep Y. Lopez.

Contents:

The Judicial Pragmatist: Justice Jhosep Y. Lopez
Fast Talk with Justice Jhosep Y. Lopez
SC Recognizes Courts with Highest Clearance Rates
Mga Pinta at Kulay ng Pag-Asa
Celebrating the Resilience of Court Stenographers

Get a copy on the Supreme Court website: https://sc.judiciary.gov.ph/3d-flip-book/volume-9-2-2024/

13/10/2024

Idineklara ng Korte Suprema na labag sa batas ang pagpaparehistro ng Gloria Maris trademark sa ilalim ng pangalan ng isa sa mga incorporator ng Gloria Maris restaurant imbes na sa pangalan ng restaurant mismo.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ipinag-utos ng Third Division ng Korte Suprema ang pagkansela sa Certificates of Registration sa pangalan ni Pacifico Q. Lim (Lim) ng trademark na Gloria Maris. Ang trademark ay binubuo ng mga salitang “Gloria Maris” na may shark’s fin (palikpik ng pating) na nakapaloob sa isang plato na hindi regular ang hugis (trademark ng Gloria Maris).

Ayon sa korte, may bahid ng “bad faith” ang pagpaparehistro ni Lim sa trademark dahil alam niya, bilang incorporator, director at shareholder ng kumpanya, na mahigit sampung (10) taon nang ginagamit ng Gloria Maris ang trademark bago pa man niya ito iparehistro sa ilalim ng kanyang pangalan noong 2005.

Nairehistro ang Gloria Maris bilang kumpanya noong 1994 sa Securities and Exchange Commission (SEC). May lima itong incorporator kasama na si Lim.

Ang “bad faith” sa konteksto ng pagpaparehistro ng trademark ay nangangahulugang alam ng aplikante na may nauna na sa paglikha, paggamit, o pagpaparehistro ng isang kapareho o katulad na trademark. Maaaring dahilan ito sa pagkansela ng rehistro dahil sa “unfair competition” o di patas na kompetisyon na isang paglabag sa Intellectual Property Code.

Basahin ang buong press release sa: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-upholds-trademark-dispute-in-favor-of-gloria-maris-restaurant/

Basahin ang buong Desisyon sa: https://sc.judiciary.gov.ph/264919-21-gloria-maris-sharks-fin-restaurant-inc-vs-pacifico-q-lim/



13/10/2024

Paglabag sa Ordinansa, Hindi Sapat na Basehan Para sa Warrantless Search — Korte Suprema

Iginiit ng Korte Suprema na ang paglabag sa mga ordinansa at regulasyon ay hindi sapat na basehan para magsagawa ng warrantless "search and seizure," lalo na kung hindi naman pagkakakulong ang parusa sa mga ito.

Sa isang desisyong isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, pinawalang-sala ng Second Division ng Korte Suprema ang isang lalaki na nahatulan ng illegal possession of firearm matapos sabihin ng Korte na "inadmissible" o hindi maaaring tanggapin bilang ebidensya ang nakumpiskang baril dahil ito ay produkto ng isang iligal na search and seizure.

Sa ilalim ng Rule 126, Section 13 ng Rules of Court, maaaring pahintulutan ang mga search and seizure na walang warrant kung ito ay bahagi ng isang ligal na pag-aresto. Pero dapat munang isagawa ang ligal na pag-aresto bago pa ang warrantless search and seizure.

Sa kasong ito, ang naging batayan ng mga pulis sa pagtugis sa akusado ay ang naging paglabag nito sa mga alituntuning pantrapiko sa pagpasok sa isang kalsadang one-way, na mauuwi lang dapat sa pagkumpiska sa lisensya ng motorista. Samakatuwid, sa kabila ng kanyang paglabag sa pagpasok sa one-way na kalsada, hindi siya under arrest nang habulin siya ng mga pulis.

Dahil walang bisa ang naganap na pag-aresto, wala ring bisa ang sumunod na warrantless search, ayon sa Korte.

Basahin ang buong press release sa: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-violation-of-ordinance-not-enough-to-justify-a-warrantless-search/

Basahin ang buong Desisyon sa: https://sc.judiciary.gov.ph/252396-angelito-ridon-y-guevarra-vs-people-of-the-philippines/



27/09/2024

SC: Pang-iinsulto at Masamang Pakikitungo sa Empleyado Maaring Ituring na Constructive Dismissal

Maaaring ituring na constructive illegal dismissal ang pagbitiw ng isang empleyado dahil sa demotion o pagbaba sa ranggo, pang-iinsulto, masamang pakikitungo, at kawalan ng malasakit ng employer.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang empleyado na napilitang mag-resign dala ng hostile work environment.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sinabi ng Korte Suprema na ang mga kilos ng employer na nagpapakita ng labis na pagkayamot sa empleyado tulad ng demotion, nakakainsultong pananalita, at kawalan ng malasakit o pakialam ay maituturing na constructive illegal dismissal kapag hindi na nakayanan ng empleyado ang kanyang kalagayan at napilitang magbitiw sa pwesto.

Ang pamantayan para malaman kung merong constructive dismissal ay kung ang isang makatuwirang empleyado ay mapipilitang iwanan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang kalagayan.

Bagamat sinabi ng Korte Suprema na hindi talaga maiiwasang may mga matitinding salita na maaaring bitawan sa trabaho dahil sa hindi pagkakaunawaan, hindi ito dapat nakasisira sa dignidad ng mga empleyado.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-employers-insulting-words-hostile-behavior-toward-an-employee-constitute-constructive-dismissal/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254465-jonathan-dy-chua-bartolome-vs-toyota-quezon-avenue-inc-lincoln-t-lim-esteban-dela-paz-jr-josefina-de-jesus-and-pauline-bacaling/



25/09/2024

SC: Bukod sa Lemon Law, Pwedeng Maghabla Sa Ilalim ng Ibang Batas ang mga Nakabili ng Depektibong Bagong Sasakyan

Hindi lamang Lemon Law ang pwedeng maging remedyo sa ilalim ng batas ng mga nakabili ng depektibong bagong sasakyan.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang konsyumer na humiling sa Toyota Balintawak, Inc. na palitan ang kanyang bagong biling sasakyan matapos madiskubre na may depekto ito. Ngunit tinanggihan sya ng Toyota dahil ayon sa Republic Act No. 10642 o ang Philippine Lemon Law (Lemon Law), maaaring ayusin muna ng Toyota nang hanggang apat na beses ang sasakyan bago ito palitan.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio Kho, Jr., sinabi ng Korte Suprema na hindi limitado sa Lemon Law ang legal remedies ng mga mamimili ng bagong sasakyan.

Maaari ring gamitin ng mga konsyumer ang Consumer Act, na nagbibigay sa supplier ng 30 araw para maisaayos ang depektibong produkto.

Ang mga mamimili ng depektibong bagong sasakyan ay may karapatang ipatupad ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng anumang umiiral na batas.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-lemon-law-not-exclusive-remedy-for-defective-brand-new-vehicles/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254978-79-department-of-trade-and-industry-vs-toyota-balintawak-inc-and-toyota-motor-phils-corp/



Paano mo malalaman kung ikaw ay isang "employee" ng iyong kompanya? Alamin sa pamamagitan ng "Four-Fold Test".
25/09/2024

Paano mo malalaman kung ikaw ay isang "employee" ng iyong kompanya? Alamin sa pamamagitan ng "Four-Fold Test".

Address

91 F. Manalo Road Brgy. Navarro
General Trias
4107

Telephone

+639355966497

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RSF Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RSF Law Office:

Share