04/09/2022
‼️HOW TO APPLY A LOAN IN PAG-IBIG‼️
Gusto mo bang magkaroon ng sariling bahay pero takot ka dahil baka hindi mo mameet ang requirements ng Pag Ibig? Well, take time to read this post para malaman mo ang BASIC and MAJOR requirements ng pagkuha ng loan.
Kadalasan, nasa 2-3 na taon ang kailangang antayin bago makapag-apply sa Pag-Ibig kapag ang inapplyang bahay ay pre-selling or non-ready for occupancy (hindi ba nabi-build ang bahay). Ngunit, para sa mga may nahanap ng ready for occupancy (ang bahay ay built na) at gustong magpafinance sa Pag-ibig, mag-aantay na lamang kayo ng tatlong buwan hanggang sa isang taon para ma approve ang Pag-ibig loan mo. Then, saka ka na makakalipat sa Dream House mo. 😇🏘️
Question: Sino ang mga pwedeng mag-apply ng Pag-ibig Housing Loan?
Answer: Lahat ng miyembro ng Pagibig Fund na nakapagbayad na katumbas sa 24 na buwan ay maaaring mag-apply ng housing loan. Gayunpaman, kailangang mag-comply ang miyembro sa iba pang mga requirements para mag qualify sa housing loan (read more below for other information). Para naman sa mga wala pang Pag-ibig account or miyembro na pero naputol ang pagbayad, maaari pa rin kayong mag-apply ng loan kung mababayaran ninyo ng buo o in terms ang required 24 months Pag-ibig contribution.
Para sa mga self-employed o negosyante, importanteng may proofs of income kayo bago makapag-apply ng Pag-ibig loan. Itong mga proofs of income ang magpapatunay na may mapagkukunan kayo ng pera pambayad sa loan ninyo. Kasali na dito ang Business Permit, DTI or SEC Registration, at ITR. So, kung hindi rehistrado ang inyong negosyo or services sa DTI, SEC, at BIR, hindi kayo qualified para mag-apply ng Pag-ibig loan.
Para naman sa mga locally employed, mas kaunti ang listahan ng inyong requirements. Kasali dito ang inyong latest 3 months payslips, certificate of employment and compensation, and ITR.
Para naman sa mga OFW's, importanteng makakuha kayo ng consularized COE kung walang job contract na authorized ng POEA. And since wala kayo dito sa Pilipinas para mag-apply ng personal sa Pag-ibig, kailangan nyong magsecure ng consularized na Special Power of Attorney na nag-aallow sa iyong representative na iprocess ang inyong Pag-ibig Housing Loan gamit ang iyong pangalan at credentials.
Ang pagproseso ng Pag-ibig Housing Loan ay kadalasang ginagawa pagkatapos ng dalawa o tatlong taon na pagbayad ng reservation fee at downpayment ng napiling bahay. Maaari itong maging mas maikli kapag ang napiling bahay ay RFO (ready for occupancy) na or natapos ng maconstruct.
Samantala, nakadepende naman sa bilis ng developer sa pagconstruct ng mga bahay kung kailan makakapag-apply sa Pag-ibig for housing loan. Pagkatapos na maconstruct ang inyong unit o kapag malapit ng itong matapos, bibigyan kayo ng abiso ng inyong agent o developer na kailangan ninyo ng mag-comply sa mga requirements. Saka kayo mag sa-submit ng mga kinakailangang documents sa opisina ng inyong napiling developer. Pagkatapos nila i-evaluate ang inyong naipasang requirements, ay isa-submit nila ito sa Pag-ibig for approval. Pagkatapos nito, ay mag-aantay na lang kayo ng 3 buwan or mahigit para maapprove ang inyong housing loan.